Chapter 24

18 1 0
                                    

Roy's POV

"Tayo na ba talaga?" hindi pa rin makapaniwalang tanong ko kay Yvon.

Naglalakad kami ngayon papunta sa bahay nila.

"Oo nga. Wala naman kasi akong choice. Dare mo yun, 'di ba?" sagot niya.

Napayuko naman ako. Napilitan lang pala siya.

"Hindi ko naman alam na gagawin mo talaga. Pwede ka naman mag-no kung pakiramdam mo minadali kita."

"Huwag ka nang malungkot. Sinagot naman na kita at hindi labag sa loob ko yun, okay?" sabi niya kaya agad naman akong nakahinga ng maluwag.

"So, pwede ko na gawin 'to?" sabi ko na kinuha ang kamay niya. Nakita ko namang natigilan siya at agad namula ang pisngi niya.

"Mula ngayon ang tawag ko na sayo ay Vasílissa mou," sabi ko habang nilalaro ang kamay niya.

"Ha? Ano? Vaseline mo?" naguguluhang tanong niya. "Hindi ako shampoo, Roy!"

Natawa ako. "Vasílissa mou. 'My Queen' in Greek."

"Eh, bakit hindi na lang 'My Queen'?" tanong niya.

"Masyadong common na kasi," sagot ko.

"Ahh... eh, ano tawag ko sayo?"

"O vasiliás mou."

"Ano? O vasi- ano yun?"

"O vasiliás mou."

"Ang hirap naman, eh! Parang 'Oh, pastillas mo'," reklamo niya. Natawa naman ako.

"Edi Mr. Vasquez na lang itawag mo sakin," sabi ko.

"Bakit naman?" tanong niya.

"Para Mrs. Vasquez itatawag ko sayo," nakangiti kong sagot.

Kumunot ang noo niya. "Huy! Bakit yun?"

Naguluhan ako bigla. Hindi ba dapat kinilig na siya dun?

"Ayaw mo?" tanong ko.

"Hindi naman ako yung nanay mo!" sagot niya.

Napatitig naman ako sa kanya. Seryoso ba siya?

Natawa din naman ako nang malakas dahil sa sinabi niya. Tinignan niya ako ng masama.

"Ang cute mo," sabi ko. "Kahit ano na lang itawag mo sa akin pero you'll still be my cute vasílissa."

Tumikhim siya. "Sige. Ikaw na lang ang Pastillas ko."

Natawa ako. Akalain mong may ganitong makulit na cute side pala si Yvon!

"Tara na nga," sabi ko bago ko siya hilahin papunta sa bahay nila. 

▲・▲・▲

"Ba't hindi mo sinama si Trisha? Sayang naman," sabi ni Mike habang nagpapalit kami ng damit. May practice kasi kami ngayong araw. Nagpumilit si Yvon sumama kaso sinabi kong umuwi na lang siya ng maaga.

"Hindi ko hahayaang palibutan niyo siya, noh!" sagot ko.

"Eh, buti pa pala yung ex niya. May tiwala kay Trisha at sa amin," sabi ni Ron.

Umismid ako. "May tiwala ako kay Yvon!"

"Weh? Dapat sinama mo dito," pang-iinis pa lalo ni Ron.

Love TriangleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon