Chapter 12

18 2 0
                                    

Roy's POV

"Anong meron?" tanong ko kay Fyona nang makita ko silang aligaga ni Bryle.

"May surprise si Bryle para kay Trisha," sagot niya at natigilan ako.

"Bakit naman niya susurpresahin si Yvon?" kinakabahang tanong ko pero hindi na niya ako sinagot dahil bumalik siya sa labas kung saan pareho silang nakasilip ni Bryle.

Akala ko ba ay malinaw na sa kanya na may gusto ako kay Yvon?

Nagulat ako nang bigla-bigla na lang pumasok si Yvon. Mukha siya naiinis pero nawala lahat iyon nang makita niya ang panda na stuffed toy na inilagay ni Bryle at Fyona sa upuan niya.

Binasa niya ang note na nakasabit sa kamay nung stuffed toy at nang matapos siya ay saktong pumasok si Bryle.

"Ang pangit ng trip mo," nag-iinarteng sabi ni Yvon nang makalapit si Bryle sa kanya.

Umiwas ako ng tingin. Parang tinutusok ang puso ko habang pinagmamasdan ko sila. Kaya pala hawak kamay silang lumabas noon.

Nag-ingay ang lahat ng tao sa silid dahil nakita nila ang mga kaganapan. Natawa si Bryle at mas lalo pang kinilig si Yvon. "Nagustuhan mo naman ba?" tanong ni Bryle sa kanya bago siya nginitian. 

"Anong kaguluhan ang meron dito?" tanong ng first period teacher namin. Lahat sila ay natawa maliban sa akin.

Mas lalo silang tinukso nang tanungin muli ng teacher namin kung anong nangyari. Kalahati ng oras ang nasakop kaka-asar sa kanila at kaka-kwento ng teacher namin tungkol sa mga estudyante niya na nagliligawan sa klase niya dati.

Hindi ako makapag-enjoy dahil ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Parang gusto ko nang umuwi dahil sa mga nasaksihan ko. Para akong napagtaksilan kasi alam ni Bryle pero mukhang isinawalang bahala niya ang pagsasabi ko na may gusto ako kay Yvon.

▲・▲・▲

"Ano ba yan?! Paulit-ulit na ako, hindi mo pa rin makuha?" galit na sambit ko nang magkamali na naman si Yvon sa pagsolve nung sample question na binigay ko sa kanya. Hindi ko alam kung saan nagmumula ang matinding pagkainis ko pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko.

"Ano bang problema mo?! Kanina ka pa! Napakaganda ng araw ko tapos sisirain mo," galit ding sambit niya.

Bumuntong-hininga ako bago inayos ang mga gamit ko at tumayo. Ayoko na lumaki pa ang away namin kaya lalayasan ko na lang siya.

"Huy, sandali! Hindi ko pa nagets 'to tapos lalayasan mo na ako?!" sigaw niya nang makita niya akong naglalakad palayo.

"Bahala ka na dyan! Magpaturo ka sa boyfriend mo!" sigaw ko pabalik bago lumakad palayo.

"Masyado ka yatang naging harsh kay Trisha," sabi ni Ron nang makalabas ako.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko. Alam ko na masyado akong naging malupit sa pagkakatanong ko na yun kay Ron pero wala na akong pakialam. Wala akong ganang makipag-usap sa ibang tao kasi gusto kong mapag-isa.

"Roy, naman! Hinintay kita tapos lalayasan mo rin ako," sabi niya na sinusundan ako.

Tumigil ako nang maabot na namin ang waiting shed kung saan kami maghihintay ng jeep na masasakyan.

Love TriangleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon