Chapter 1

150 19 0
                                    

Trisha's POV

"Ate, gumising ka na dyan! Yung mga kaibigan mo naghihintay sa labas!" sigaw ng kapatid kong si Theo.

Si Yael Theodore Dela Torre ang aking nakababatang kapatid. Grade 8 na siya ngayon at siya ang heartthrob ng buong level nila. Babae ang nanliligaw sa kanya pero wala siyang sinasagot na kahit isa sa kanila. Bakit? Dahil in love siya sa kapatid ng bespren kong si Eunix. Ang kaso nga lang hindi yata siya type, eh pero syempre pinupush namin ni Eunix na magkatuluyan sila sa future. Ang gagaling talaga naming ate!

"Theo, ayoko pa! Ayoko pumasok sa school!" Sabi ko na tinakpan ng unan ang ulo ko.

First day namin ngayon bilang mga Grade 11 students. STEM ang kinuha naming strand. Ayoko naman talaga nun pero natatakot ako mahiwalay sa mga kaibigan ko. At isa pa, wala pa akong plano kaya go with the flow na lang.

Buti pa si Paula, ang tapang niya. Ang kinuha niyang strand ay ABM kaya nahiwalay siya samin.

Napabuntong-hininga ang kapatid ko at lumabas ng kwarto ko. Nakatulog ako ulit pero nagulat ako nang may maramdaman akong basa. Pagdilat ko, tawa ng tawa si Theo at ang mga kaibigan ko. Eh, kasi naman ang tukmol kong kapatid binuhusan ako ng isang baldeng tubig!

"Bwisit kang bata ka! Binasa mo yung kama ko!"

"Ayaw mo magising eh," sabi niya at nag-kibit balikat pa.

"Bih, since tapos ka na maligo, magbihis ka na," pang-aasar ng kaibigan kong si Cazscandra.

"Argghhh!!! Ang sama niyo!" sigaw ko bago tumakbo papuntang banyo.

▲・▲・▲

"Sabi nila mabait daw yung mga teachers natin," sabi ni Eunix. Naglalakad na kami ngayon papunta sa classroom.

"Really? That's so exciting!" sabi naman ni Morrel, ang englishera sa barkada namin. Lumaki kasi siya sa US kasama ng kakambal niya na si Christian. Lumipat lang sila dito nung nag-highschool na siya.

Nosebleed nga kami sa kanya, eh! Nakakaintindi siya ng tagalog pero nahihirapan siya sa pagsasalita nito. Eh, pano ba naman? Ang bahay nila ay english zone talaga pero kahit ganun, ang taas ng grades niya sa Filipino! Hanep!

"Sana nga mababait sila!" sabi ko at tuluyan na kaming pumasok sa classroom.

Nauna sila sakin kaya magkakatabi sila. Walo talaga ang chairs sa isang row tapos hinati sa dalawang grupo at mayroon namang limang upuan sa isang column. Kung di niyo magets, bahala kayo!

Sakto sana saming apat kaso may nakaupo na sa dulo kaya no choice ako kundi maghanap ng iba. Naupo ako sa harapan nila pero shemay! Nakatabi ko yung masungit na alagad ni Einstein!

"Kuya, pwede bang dito ka na lang pumwesto please? Gusto ko kasi makatabi mga friends ko eh," pakiusap ko sa katabi nila na nasa dulo. 'Di ko kasi siya kilala dahil hindi namin siya kaklase nung nasa Junior High pa kami.

"Sorry, ate pero dito kasi ako kumportable," sagot niya. Malapit kasi sa bintana kaya malamig sa pwesto niya.

"Sige na, kuya! Ililibre kita! Promise!"

"Ang ingay naman!" sabat ng katabi kong asungot. "Kailangan ba talaga na magsisisigaw ka dyan, Yvon. Nagbabasa ako dito oh."

"Uhmm... excuse me, Mr. Sungit. Di ko naman kasalanan na first day na first day nag-aaral ka dyan and don't call me Yvon!" sigaw ko at ang bruho, nagsalpak ng earphones sa tenga para di ako marinig. "Argghhh!!! Sana kainin ka ng libro mo!" sigaw ko sa tenga niya at humarap ako sa mga napakagaling kong kaibigan na tawa ng tawa. "Mga baliw talaga kayo! Hinayaan niyo ko makipagdigma dito mag-isa!"

Love TriangleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon