Chapter 25

24 1 0
                                        

Trisha's POV

"Yvon," tawag sa akin. Napatalon naman ako sa gulat. Hinarap ko ang nagsalita at nakita si Caz na tawang-tawa.

"Magkaboses ba kami ni Roy? Bakit gulat na gulat ka?" tumatawang aniya.

"Bakit ba kasi Yvon tinawag mo sakin?!" inis kong tanong. "Siya lang kasi tumatawag sakin nun," mahinang bulong ko.

"Miss mo na?" tanong ni Caz. Hindi naman ako sumagot.

Isang linggo na ang nakalipas magmula nung aksidenteng halikan namin ni Roy. Hiyang-hiya kasi ako sa kanya kaya iniiwasan ko siya. Hindi ko nga alam paano naging posible na naiwasan ko siya kasi iisang section lang kami pero nagawa ko pa rin naman.

Hindi rin niya ako kinukulit. Lahat nga ay nagtataka na sa aming dalawa. Maraming nag-aakala na break na kami pero hindi naman. Hindi ko lang talaga siya makausap matapos ng mga nangyari.

"Makipagbati ka na," sabi ni Caz.

"Hindi naman kami nag-away," sagot ko.

"I mean, huwag mo na siya iwasan. Ito naman! Masyado kang pavirgin!" sigaw niya kaya napahawak ako sa bibig niya para patahimikin siya.

Tumingin ako sa paligid at mukhang wala namang nakarinig.

"Ang ingay mo!" mahinang sigaw ko. "Anong pavirgin? Gaga! Virgin pa naman talaga ako! Baka may makarinig at akalain na ganun akong klase ng babae," dagdag ko.

"Joke yun, bes. Joke," sabi niya na tinanggal ang kamay kong nakapatong sa bibig niya. "Pero seryoso, wala namang big deal sa ginawa niyo, eh! Kayo naman so anong problema sa paghahalikan?"

Napahawak ako sa ulo ko. "Hindi ko din alam!"

"Kausapin mo na. Sabi ni Nix nakipagkita daw si Roy sa ex niya," sabi niya at gulat ko naman siyang tinignan.

Agad akong nakaramdam ng selos. "Ano?! Kailan?!"

"Ang taas," pang-aasar niya na sumenyas pa sa kamay niya. "Last Saturday daw. Nakita ni Nix sa mcdo. Ayaw sabihin sayo."

Kumunot ang noo ko. "Bakit daw?!"

"Eh, di daw kayo okay ni Roy so baka magalit ka pa lalo," sagot niya.

Pumikit naman ako para mapakalma ang sarili ko. "Sila na ba daw ulit?"

"Ewan ko basta ang alam ko, kumilos ka na kasi baka maunahan ka pa."

▲・▲・▲

"Tulog pa siya, Ate," sagot ni Rey nang tanungin ko siya kung gising na ang kuya niya. Birthday ngayon ni Roy at may plano akong surpresahin siya. Dahil nga hindi kami nagpapansinan ngayon, maganda na rin siguro 'tong way para magkabati kami kahit hindi naman kami nag-away.

"Sige. Kung sakali mang magising, huwag mo muna papalabasin, ha? Malapit na ako sa inyo," sabi ko at sumang-ayon siya. Ibinaba na rin namin ang tawag matapos nun.

Hindi nagtagal at natunton ko na ang bahay nila Roy. Hindi ko naman na kailangan kumatok pa dahil nasa labas ang mama ni Roy na nagdidilig ng mga halaman.

"Good morning po, Tita," bati ko nang makalapit.

"Oh, Trisha! Naayos na namin ang mga decoration sa loob. Si Roy na lang ang hinihintay magising. Pasok ka," sabi ni Tita na binitawan ang hose na hawak at dinala ako sa kanilang sala.

Love TriangleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon