Chapter 7

40 8 0
                                    

Trisha's POV

"Hindi niyo ba talaga ako titigilan?! Oo! Inaamin ko na! I have fallen in love with Daniel Bryle Dela Cruz kahit pa ilang araw pa lang kami magkasama," pag-amin ko at pare-pareho kaming natigilan. Nabasag lamang ang nakakabinging katahimikan nang tumawa silang apat.

"Ambisyosa ka talaga kahit kailan!" sabi ni Eunix na tawang-tawa pa rin.

"Sa tingin mo magugustuhan ka niya pabalik?" tanong ni Caz.

"Keep on dreaming, loser!" sabi ni Morrel at nararamdaman ko na ang pag-agos ng luha mula sa mga mata ko.

"Ang iyakin mo! Hindi ka na talaga niya magugustuhan kapag ganyan ka!" panlalait ni Paula at saka nagtawanan ulit sila nang parang mga demonyo.

Kailan pa naging ganito kasama ang mga kaibigan ko?

"Kung ako sayo, gumising ka na kasi malayong-malayo 'yang pangarap mo sa reyalidad," sabi ni Eunix at nagpatuloy pa rin ako sa pagluha. Napapikit na lang ako at huminga ng malalim.

"Parang g*go talaga kahit kailan 'to! Umiiyak habang natutulog?" rinig kong sabi ni Theo. Bigla akong napabangon nang boses niya ang marinig ko at hindi ng mga kaibigan ko.

"Nanaginip lang ako. Omaygash! P*tangina! Akala ko totoo!" sigaw ko na tatawa-tawa naman ngayon.

"G*gong-g*go ka na nga talaga, teh," sabi ni Theo pero hindi ko siya pinansin.

Napakaweird nung panaginip ko. Oo, umamin na ako sa mga kaibigan ko na gusto ko si Bry pero lahat sila speechless hindi tulad nung mga demonyitang hayop na nasa panaginip ko.

Hinarang ako ng mga kaibigan ko nun. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan nila pero nagulat na lang ako nang nagwika sila ng,"May hindi ka sinasabi sa amin."

"Ha? Ano?" gulat na tanong ko.

"Taksil ka talaga kahit kailan, Trisha! Paano mo nagawang itago 'yun, ha! Akala mo siguro hindi namin malalaman pero ngayon alam na namin," monologue ni Eunix na akala mo ay nasa isang teleserye.

"Hindi ko kayo maintindihan," sabi ko at napatingin sila sa isa't-isa bago nagtanguan.

"Umamin ka nga samin, Yvon Trisha Dela Torre. May gusto ka na ba kay Bryle?" tanong ni Paula at nagulat ako. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kasi kahit ako ay hindi ko alam sa sarili ko kung gusto ko ba talaga siya.

"Ano ba namang tanong 'yan?" sabi ko na medyo naasar na.

"We saw the way you look at him, Trisha and all we wanted to do is for you to realize that you caught feelings for him and don't hesitate to win his heart back," litanya ni Morrel.

"So gusto mo na nga?" pangungulit ni Eunix sa akin.

"Tigilan niyo na nga 'to," sabi ko na tumalikod. Maglalakad na sana ako palayo kaso hinarang na naman nila ako.

Hinila ni Caz ang braso ko. "Magpakatotoo ka nga!"

"Hindi niyo ba talaga ako titigilan?!" inis na sigaw ko. "Oo! Inaamin ko na! I have fallen in love with Daniel Bryle Dela Cruz kahit pa ilang araw pa lang kami magkasama," pag-amin ko at lahat sila nagulat kabilang ako na ngayon lang narealize ang tunay na nararamdaman.

Love TriangleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon