Trisha's POV
"Akala ko pa naman mas special ang prom ng senior high. Bakit ganito? Sa Saturday na ang prom pero wala pa akong nakitang magandang promposal," pagrereklamo ni Caz.
Tama ang nabasa niyo. February na and yes, malapit na ang Prom namin. Hindi na bago yun sa amin dahil mula grade 9 ay umaattend na kami ng JS Prom. Pangmalakasan talaga ang mga promposal nung mga panahon na yun.
Nakakalungkot nga lang na wala akong naging date sa dalawang prom na nakalipas. Wala naman kasing nagkakagusto sa akin. Ang pinakaswerte talaga sa aming magkakaibigan ay si Pau dahil dalawang straight na prom ay niyaya siya ni Dex and they're in a more than friends, less than a couple kind of relationship. In short, malabong usapan.
Nag-eexpect ako na yayain ako ni Bryle. Boyfriend ko siya kaya dapat lang na ayain niya ako, 'di ba?
"Pero may nasagap akong balita," sabi ni Eunix na pinaglapit-lapit na naman kami. Madaling nakakakuha ng impormasyon 'tong babaeng 'to dahil sa madalas niyang pananahimik, hindi nila alam na nakakasagap na ang radar niya. Sa amin lang naman madaldal yan.
"Ano yun?" tanong ni Caz, halatang interesadong-interesado sa tsismis.
"Inaya daw ni Roy si Fyona," bulong niya at pare-pareho kaming nagulat.
"Kailan pa siya nakaget over kay Trisha?" tanong ni Caz at binatukan ko siya.
"Sira!" singhal ko.
"Malakas tama nun sayo! Di mo alam?" sabi ni Caz.
Inirapan ko siya. "Huwag mo akong lokohing babae ka!"
"But what's she's saying is true," sabat ni Morrel.
"Shh! Ang galing niyo magjoke time. Dyan na kayo, hahanapin ko pa baby ko," sabi ko bago sila talikuran.
Hindi naman naging mahirap para sa akin na makita siya. Nakita ko silang nagtatawanan ni Fyona sa covered court. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng selos. Alam kong magkaibigan lang sila kaya hindi ko dapat maramdaman 'to.
Umupo ako sa tabi ni Bry at hinawakan ang kamay niya. Nagulat pa siya pero nang makitang ako ang kumuha ng kamay niya, gumaan ang pakiramdam niya.
"Hi, Fyona!" bati ko.
"Hi, Trisha!" nakangiting bati niya pabalik.
"Balita ko inaya ka ni Roy, ah!" nang-aasar na sambit ko.
Natigilan si Bry. "Inaya ka ni Roy?" tanong ni Bry sa kanya.
"Ah, oo," medyo naiilang na sabi ni Fyona.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" sabi ni Bry, halata ang pagkairita sa tono ng pananalita niya.
"Huy!" pagtawag ko ng pansin kay Bry. Nakangunot ang noo niya nang lumingon sa akin. "Hayaan mo na si Fyona."
"Hindi ko pwedeng palagpasin 'to! Ako ang best friend ni Fyona kaya ako ang dapat unang makaalam at hindi ang ibang tao!" galit na sagot nito.
Nakaramdam ako ng inis at selos dahil sa mga sinabi niya kaya padabog kong binitawan ang kamay niya at bigla-biglang nagwalk out.
Tss... Pusang gala siya! Hindi pa nga niya ako inaaya tapos nakikisawsaw na siya sa date ng iba! Bakit ba parang nagseselos siya kay Fyona at Roy? May gusto ba siya kay Fyona?!
Mas lalo pang sumobra ang iritasyon ko nang makabalik na ako sa classroom at lahat-lahat, hindi pa rin sumunod sakin si Bry. Padabog kong inayos ang gamit ko at naupo sa upuan ko.
BINABASA MO ANG
Love Triangle
Teen FictionLove Triangle. Isang nakakabaliw at nakakainis na konsepto. Ang konsepto kung saan may gusto ang dalawang tao sa iisang tao lamang. Eh, papaano kung ang konseptong ito ay naiba at nabago? Anong mangyayari sa mundo ng tatlong taong ang tanging gina...