Chapter 20

17 1 0
                                    

A/N: Before reading this chapter, I'd like to say sorry in advance kung mali man yung mga bisaya words or terms na magagamit ko dito. Si google translate lang kasi ang maasahan ko dahil wala akong kilalang marunong magbisaya. Kung may mali man sa mga terms, pacorrect na lang po. Tsaka pala may mga ginamit din ako na mix ng bisaya and tagalog. Di ko din alam kung pwede ba yun hahaha gash I'm so dumb na talaga. Wala na po akong braincells kaya pacorrect na lang kapag may mali. Thank you so much!

Bryle's POV

"Fyona, kausapin mo naman ako," pagmamakaawa ko habang pinigilan ang akmang pagsara niya ng pintuan ng kwarto niya.

"Huwag na. Baka kasi kapag kinausap kita, may maisuggest na naman akong makakasira ng buhay mo," sarkastiko nitong tugon.

"I'm sorry. I know you were just looking out for me," nakayuko kong saad.

"Buti alam mo," aniya na iniikot pa ang mga mata.

"Bati na tayo, Fyona. I really need my best friend right now." Bumuntong-hininga ako.

"Ang arte mo. Sige na nga!" pagsuko nito.

"Talaga?" nakangiti ko nang tanong.

"Oo nga! Psh! You're so maarte kasi," nagtataray nitong sambit.

"Ang conyo! Hindi bagay," puna ko.

"Heh!" sigaw niya sabay hampas sa balikat ko. Tinawanan ko naman siya.

Naputol lang ang pagtawa ko nang marinig kong tumunog ang phone ko. Agad kong tinignan kung sino ang tumatawag at nakita ko ang pangalan ni mama sa screen. "Wait lang," paalam ko kay Fyona bago isinagot.

"Hello, Ma?" pagsagot ko dito.

"Anak, kumusta ka?" tanong niya.

"Okay lang, Ma," sagot ko.

"Kumusta kayo ng imong uyab?" tanong niya na tinutukoy si Trisha.

Bumuntong-hininga ako. "Wala na kami."

"Ha?! Unsay nahitabo?" nag-aalalang aniya.

"Wala yun, Ma. Hikalimti lang," sagot ko.

"Okay, okay. Kumusta naman school? Yung swim team?"

"Okay lang naman ako sa school. Nag-aaral ako ng mabuti para hindi masayang ang pangtuition na ipinapadala niyo. Sa swim team naman, dili na ako moapil pag-usab," saad ko.

"Hala! Bakit? Nagkalisud ka ba?"

"Oo, Ma. Ang hirap pagsabayin ng pagcompete tsaka pag-aaral, eh," pagsisinungaling ko. Ang totoong dahilan niyan ay iniiwasan ko kasi si Roy at Trisha. Alam ko na madalas ko silang makikita lalo na't nagsimula nang manligaw si Roy kay Trisha.

"Sige, sige. Basta kung naglisud ka ana uban nimo, balik dinhi, ha?"

"Okay lang ako, Mama. Kaya ko pa kaya huwag na masyado mag-alala."

"Sige. Love you, 'nak. Kanunay nga pag-amping," paalam niya.

"Ingat din kayo dyan, Ma," paalam ko rin bago ibinaba ang tawag.

"Hindi ka na ulit sasali ng swim team?!" gulat na tanong ni Fyona.

"Oo," maikling sagot ko.

Love TriangleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon