Chapter 19

11 1 0
                                    

Trisha's POV

"Ey, Ishang! Egg sandwich lang sakin. Salamat," sabi ni Eunix.

"Lemonade ko, ah!" sabi naman ni Caz.

Bumaling ako kay Morrel. "Bananacue. Thanks," sabi nito sabay ngiti.

"Isa lang masasabi ko sa inyo," sabi ko at tumingin silang tatlo sa akin. Tinaas ko ang middle finger ko sabay sabing, "Pakyu kayo pare-parehas!"

Tinawanan lang nila ako habang iniwan ko na sila dun para bilhin ang kanilang mga kahilingan. Nalaman agad nila na nililigawan na ako ni Roy kaya no choice ako kung hindi gawin ang mga napagkasunduan.

Sinabihan ko si Naymmy tungkol sa breakfast nila at buti na lang wala siyang angal. Halos mamulubi naman ako dahil sa palibre nila.

"Ayan! Sana mabusog kayong mga bitch kayo!" sabi ko nang ibaba ang tray ng pagkain nila sa lamesa.

"Thank you, Trisha bebe ko," sabi ni Caz at kinuha ang lemonade niya.

"Paano ba yan? Kung hindi dahil sakin, wala tayong libreng pagkain," pagyayabang ni Nix habang nilalantakan ang egg sandwich.

"Dapat hindi na lang ako pumayag sa pusang galang pustahan na yan." Napapalatak ako.

"Oh, well, kasalanan mo," sabi ni Nix.

"So kailan mo balak sagutin?" tanong ni Caz sa akin.

"Sa susunod na kabilugan ng buwan," nakakagagang sagot ko.

"Oh, great! It's a full moon tomorrow night," sabi ni Morrel.

"Oy, pota! Joke lang!" biglaang bawi ko.

Natawa naman silang tatlo. "Dali, pusta–"

"Manahimik ka dyan!" sabay na sigaw namin ni Caz kay Nix.

"Nasa bingit ng kamatayan buhok ko kahapon, gaga! Tapos gusto mo ng isa pa?!" reklamo ni Caz.

"Sabi ko nga po, hindi na," nakapout na saad ni Eunix.

Tinawanan lang namin siya bago ipinagpatuloy ang pagkain.

▲・▲・▲

"So ngayon ko lang naisip na wala pa pala kayong permanent lab partners," panimula ng Biology teacher namin. "Kaya before we start, choose your partner. For the whole sem niyo siya kapartner kaya make sure na magkakasundo kayo."

Lumingon ako sa mga katabi kong tatlong bitch. Agad na nagkasundo si Eunix at Morrel na sila ang magkapartner kaya binalingan ko si Caz. "Hoy! Tayo na magkapartner," sabi ko na hinampas ang balikat niya.

"May partner na ako, beh," sagot niya.

"Pota! Kailan pa?!" inis kong tanong.

"Ngayon lang, gaga. Partner ko si Andrea," sagot niya na itinuro ang kaklase naming katabi niya.

"Sino kapartner ko?!" irita kong saad.

"Si Roy, oh. Mukhang wala pa siya kapartner," sabi ni Nix na itinuro ang kabilang table.

Nakaramdam ako ng pagkailang. "Iba na lang."

Love TriangleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon