Roy's POV
"So ngayon ko lang naisip na wala pa pala kayong permanent lab partners," panimula ng Biology teacher namin. "Kaya before we start, choose your partner. For the whole sem niyo siya kapartner kaya make sure na magkakasundo kayo."
Liningon ko si Mike at Ron na nakaupo sa tapat ko. Magkayakap silang dalawa na akala mo mga linta sa sobrang pagkakadikit.
"Bading na bading na ba talaga kayo sa isa't isa?" pabirong tanong ko.
"Napakayabang mo! Porket hindi ka nireject ng babe mo," bwelta ni Ron.
Napailing-iling ako. Agad kasi silang nagpakwento ng mga nangyari kahapon at dahil makulit nga sila ay ikinwento ko na.
"Anong koneksyon?" natatawang tanong ko. "Tulungan niyo na lang nga ako maghanap ng partner. Dati pinag-aagawan niyo ako ni Mike tapos ngayon, kung makakapit kayo sa isa't isa ay parang wala nang bukas."
"May dahilan kasi kung bakit kami na lang ang naging magkapartner ni Ron kahit pareho kaming bobo. Ayun, oh." Inginuso ni Mike ang table sa likuran ko. Lumingon ako at nakita ko si Yvon na namomroblema na dahil hindi nakipagpartner sa kanya ang mga kaibigan niya.
"Baka ayaw niya ako kapartner," malungkot kong saad.
"Ampucha! Nag-aya ka na't manligaw lahat-lahat, nahihiya ka pa din!? Dapat maging confident ka kasi paano ka niya sasagutin kung nahihiya ka," pangaral ni Ron.
"Pumunta ka na dun!" sabi ni Mike na itinulak pa ako.
Bumuntong-hininga ako bago naglakad papunta sa kabilang table.
"Arte mo kasi!" dinig kong sigaw ni Eunix nang makarating ako dun.
"Mga bitch kayo! Bigyan niyo ako partner!" paiyak nang ani Yvon.
"Yvon?" tawag pansin ko sa kanya. Napaayos siya ng upo na ikinatawa ko.
"Yes?" kalmadong tanong niya.
Tumikhim ako bago itanong ang, "Tayo na lang kaya?"
▲・▲・▲
"Ang lakas mo talaga, pre!" sabi ni Ron habang pinapalo-palo ang likod ko.
"Ano na namang ginawa ko?" inis kong tanong.
Kakatapos lang ng klase at ngayon ang balik namin sa swim team. Nasa locker room kami ngayon at bukambibig na naman ni Mike at Ron ang nangyari kanina.
"Tayo na lang kaya? Napakapanalo talaga, eh! Dapat narinig ng lahat yun. Hina kasi boses!" sabi ni Mike.
"Paulit-ulit kayo sa tanong ko na yun. Tama naman yung gamit ko, ah!" inis kong sambit.
"Anong ginawa ng dalawang lokong 'to, Cap?" tanong ni Nico na tumabi sa amin.
"Nico, the RoyIsha ship is sailing!" masayang ani Ron.
"RoyIsha amputek!" puna ko sa napakacorny na ship name na gawa nila.
"Kayo na?!" nakasigaw na tanong ni Nico.
"Hindi pa! Ba't ba excited kayo?" Umiling ako.
"Eh, ano pa lang? Nililigawan mo pa lang?" tanong ni Nico at tumango ako bilang sagot.
BINABASA MO ANG
Love Triangle
Teen FictionLove Triangle. Isang nakakabaliw at nakakainis na konsepto. Ang konsepto kung saan may gusto ang dalawang tao sa iisang tao lamang. Eh, papaano kung ang konseptong ito ay naiba at nabago? Anong mangyayari sa mundo ng tatlong taong ang tanging gina...