Bryle's POV
"Walang thrill prom dito! Kaloka!" sabi ni Fyona na umupo sa tabi ko. Andito kami ngayon sa covered court. Break kasi kaya naisipan kong tumambay dito. "Ang big deal ng prom sa atin. Sa magandang hotel pa tayo nagpaprom noon. Dito, sa school lang," reklamo niya pa.
"Huwag ka na magreklamo dyan! Suggest mo sa anak ng may-ari mga gusto mo mangyari," sabi ko at tinawanan siya. Pinaningkitan niya ako ng mata dahil ipinaalala ko na naman ang kabaliwan nila ni Trisha. "Naubos daw kasi budget nung dito ginanap sports fest. Hindi na rin napagtuunan ng pansin yung prom."
Nagulat ako nang may biglang humawak sa kamay ko. Liningon ko siya at nakita ko si Trish na nakangiti ngayon.
"Hi, Fyona!" bati niya sa babaita.
"Hi, Trisha!" nakangiting bati ni Fyona pabalik.
"Balita ko inaya ka ni Roy, ah!" mapang-asar na sambit ni Trish.
Natigilan ako at napakunot ng noo. "Inaya ka ni Roy?" pagkukumpirma ko.
"Ah, oo," medyo naiilang na sagot ni Fyona.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" iritadong tanong ko.
"Huy!" pagtawag ng pansin ni Trish sa akin. Liningon ko siya. "Hayaan mo na si Fyona."
"Hindi ko pwedeng palagpasin 'to! Ako ang best friend ni Fyona kaya ako ang dapat unang makaalam at hindi ang ibang tao!" inis na sambit ko.
Nagulat ako nang padabog niyang binitawan ang kamay ko at nagwalk-out.
"Nagtampo yung girlfriend mo," natatawa-tawang sabi ni Fyona.
"Bakit hindi mo sinabi sa aking inaya ka ni Roy?" tanong ko ulit at nawala ang ngiti sa labi niya. Ayoko mang aminin pero nagseselos ako!
"Sasabihin ko naman sayo kaso–"
"Kaso ano?"
"Nagseselos ka ba?" bulong niya.
"Ano sa tingin mo?" balik-tanong ko.
"Bryleey, alam mo naman na–"
"Alam kong hindi niya ako yayayain pero hindi ko pa rin maiwasan magselos," sabi ko sabay iwas ng tingin.
Tumawa si Fyona. "We're going as friends, don't worry," sabi niya bago tumayo. "Tara?" aya niya sa akin na inilahad pa ang kamay. Tumayo ako at linayasan siya. Narinig ko siyang tumawa bago ako hinabol at kung ano-ano na naman ang pinagsasabi.
▲・▲・▲
"Suyuin mo si Trish. Baka naisip niyang may gusto ka sa akin kahit ang totoo ay si–"
"Huwag mo na ituloy," pagpuputol ko sa litanya ni Fyona.
"Dalian mo na! Palabas na ng gate," sabi niya na tinulak ako. Agad-agad naman akong kumaripas ng takbo para maabutan siya.
"Trish, galit ka ba sakin?" tanong ko kay Trisha na pinigilan ko makalabas ng gate ng school.
"Ewan ko sayo," sabi niya at nagtuloy-tuloy sa paglalakad. Napakamot ako sa ulo ko. Ganito ba talaga kahirap manuyo ng babae? Ang aarte!
"Trish naman, eh! Ano ba gusto mo? Gusto mo kwek-kwek?" tanong ko na nakasunod sa kanya.
Napatigil siya sa paglalakad. Alam kong gusto niya kaya hinila ko siya papunta dun sa foodcart.

BINABASA MO ANG
Love Triangle
Teen FictionLove Triangle. Isang nakakabaliw at nakakainis na konsepto. Ang konsepto kung saan may gusto ang dalawang tao sa iisang tao lamang. Eh, papaano kung ang konseptong ito ay naiba at nabago? Anong mangyayari sa mundo ng tatlong taong ang tanging gina...