Trisha's POV
"Mga beks, tignan niyo 'to," Sabi ko sabay pakita sa kanila ng mga messages ng secret admirer ko. One week na kaming pumapasok and one week na rin nagtetext sakin 'tong taong 'to.
"Lah siya! Sino ba 'to? Bulok na yung style niya! Walang originality! Eh estilo ito ni Vince sa Vince and Kath!" Sabi ni Eunix sabay balik ng phone sakin.
"Nakakakilig kaya!" Sabi naman ni Cazscandra.
"Wala naman akong sinabing 'di nakakakilig. Ang sakin lang parang ginaya niya lang yung sa textserye," Sagot ni Eunix.
"Bitter," bulong ni Cazscandra at tinignan siya ni Eunix ng masama.
"Sino kaya 'to, noh?" Sabi ko sabay tingin ulit dun sa text.
"Hayaan mo na yan. Nangtitrip lang yata," Walang ganang sagot ni Paula. Napatingin lang ako sa kanya ng masama. "Bakit?"
"So ganon? Di ba ako likeable, crushable, o jowable para mangtrip lang 'tong admirer na 'to?!" OA na OA na tanong ko at lahat sila napasabi ng, "HINDI!"
Inirapan ko sila tapos di na pinansin. Ang kakapal ng mukha! Pagkaisahan ba naman ako!
Pinara na namin ang jeep at bumababa na. Pagkapasok ng gate, humiwalay na si Paula at naglakad papunta sa building nila. Hinihintay na rin daw kasi siya ni Kezsa, yung bago niyang best friend. Iyak! Pero best friends pa rin naman niya kami. Pati si Kez kaibigan namin pero di siya kasama sa squad.
Pagkarating namin sa building, agad kaming naupo sa seats namin. Nagulat ako kasi wala pa yung sugo ni Einstein sa upuan niya. Wala rin si Bryle kaya mag-isa ang lowla niyo. Nagbuklat na lang ako ng libro kahit pictures lang naman tinitignan ko. Para magmukha lang masipag, ya know?
Nasa ganoong estado ako nang dumating si Bry. "Hi, Trish!" Sabi niya habang ibinaba ang bag niya. Hingal na hingal siya na parang tinakbo paakyat ang stairs.
"Oh! Okay ka lang?" tanong ko at tumango siya habang umiinom.
"Yes. I'm fine. Akala ko kasi late na ako kaya tinakbo ko na lang paakyat tapos narealize ko na advance ng ten minutes yung relo ko," sabi niya bago ibinalik ang inuminan sa bag.
"Ayan kasi! Tanga!" Sabi ko at tinawanan siya.
"Sorry na!" Sabi niya sabay sulyap sa tabi ko. "Wala pa?"
"Wala at sana huwag na dumating ever!" sabi ko na umirap pa. Tinawanan niya lang ako. 'Di na kami nagpansinan matapos nun kasi pinatong niya yung ulo niya sa table para matulog.
Di nagtagal, pumasok na yung teacher namin. Nagdiscuss siya ng lesson. Syempre, dahil ang utak ko naman ay palaging lipad, wala akong naintindihan. Bago pa matapos yung subject, dumating yung asungot ni Aristotle. Pinagalitan siya kasi super late niya na daw. As if, kailangan niya yung lesson.
Di ko siya kinocomplement ah! Alam ko mga pinag-iisip-isip niyo!
Nakinig na lang ulit ako sa teacher namin kahit lutang talaga yung utak ko.
▲・▲・▲
"Ito na pala ang results ng test na itinake niyo last week. Marami ang nakakuha ng mataas na score pero may mangilan-ngilan na mababa ang nakuha," panimula ng teacher namin sa Gen. Math nang makaupo siya sa teacher's table.
"Yung mga nakakuha ng low scores ay makakasama sa peer counseling at ang magtuturo naman ay ang mga nakakuha ng high scores. Sampu ang nakakuha ng pinakamababang score," sabi niya sabay tingin sa listahan niya. Sinimulan na niya basahin ang mga taong kailangan ng counseling kasama na ang magtuturo sa kanila.
BINABASA MO ANG
Love Triangle
Teen FictionLove Triangle. Isang nakakabaliw at nakakainis na konsepto. Ang konsepto kung saan may gusto ang dalawang tao sa iisang tao lamang. Eh, papaano kung ang konseptong ito ay naiba at nabago? Anong mangyayari sa mundo ng tatlong taong ang tanging gina...