Qm's Note: Itong chapter lang na ito ang formal tagalog haha 😂
History of Callisto
Nang sumiklab ang digmaan sa Banal na Kalawakan, may dalawang bathala ang hindi nakisali sa digmaan, ito ay sina Sol at Mayari, ang Bathala ng Araw at Buwan. Nang matapos ang digmaan ay pinaalis sila ng Dakilang Bathala sa banal na kalawakan upang hindi sila maisali sa darating pang mga digmaan.
Lumikha ang magkapatid na Sol at Mayari ng isang mundo kung saan maaari silang manirahan at lumikha rin sila ng kanilang mga maaaring makasama sa bagong mundo at pinangalanan nila itong Callisto.
Si Sol ang gumawa ng mga tao. Winangis nya ang mga tao sa itsura nilang mga Diyos. Dahil likas na mabait at mapagbigay si Sol, binahagi nya ang kapagyarihan nya sa mga tao kaya nagkaroon sila ng kakayahang mag-isip at kakayahang kontrolin ang mga elemento ng Callisto.
Una nyang nilikha ang mga nilalang na maaaring kumontrol sa hangin, sila ang tinawag na mga Aeros, kasunod nito ang mga nilalang na mangangalaga sa elemento ng apoy, pinagkalooban nya ito ng talas ng isip na tulad ng apoy ay nagninigas sa linaw binigyang ngalan nya ang mga ito bilang mga Pyros, sunod naman ay ang mga nilalang na maaaring maging tagapangalaga ng tubig, sila ay nilikha ni Sol bilang maging mga tagapag ingat ng kalusugan at kalakasan sa mga nilalang ng Callisto, karamihan sa kanyang mga nilikha ay puro babae sapagkat habang nililikha nya ang mga ito ay nakikita nya ang pag aalaga sa kanya ng kanyang kakambal na si Mayari, pinangalanan nya itong mga Hydros at huli nyang nilikha ang mga Terros, sila ang pinagkalooban ni Sol ng kakayahang manipulahin ang elemento ng Lupa, sila ay nilikha ni Sol na may angking sipag sa pagtatanim at paggawa ng mga gawaing may kinalaman sa mga halaman at puno.
Si Mayari naman ang gumawa sa mga hayop at halimaw. Tulad ng kanyang nakikita noon sa banal na kalawakan, lumikha sya ng mga kabayo, manok, baboy, aso at iba pang mga pangunahing hayop, lumikha rin sya ng mga halimaw tulad ng mga Bwarka o dragong nagbubuga ng apoy at yelo, bakunawa na sinasabing lumalabas tuwing kabilugan ng buwan at kinukuha ang mga nilalang lalo na ang mga paslit, aswang na humihigop sa buhay ng isang nilalang at mga Bwitre na walang awa kung kumain ng laman. Dahil sa takot na baka sila ay madaig ng kanyang mga nilikha, kaya't hindi pinagkalooban ni Mayari ng kakayahang mag-isip ang mga nilikha nya.
Isang realm o teritoryo lamang noon ang Callisto. Nahahati lamang ito sa kapatagan; kung saan nakatira ang mga tao at pangunahing hayop at kagubatan; kung saan naman naninirahan ang mga halimaw.
Tahimik at mapayapang namumuhay ang mga nilalang ng magkapatid na Bathala sa paraiso ng Callisto.
Ngunit isang araw, kinain ng inggit at galit ang pag-iisip ng Diyosang si Mayari.
Nagalit si Mayari sa mga tao dahil si Bathalang Sol; na lumikha sa kanila ang tanging sinasamba ng mga ito.
Gusto nyang parusahan ang mga tao pero hindi sya pinayagan ni Sol. Sinisi pa sya nito dahil hindi nya binigyan ng kakahayang mag-isip ang mga hayop at halimaw kaya walang sumasamba at nananalig sa kanya.
Gusto man nyang bigyan ng kakahayang mag-isip ang mga nilalang nya, huli na ang lahat.
Maaari nilang bawian ng buhay ang mga nilalang nila ngunit hindi nila pwedeng baguhin ang pagkakalikha nito.
Sa kagustuhan ni Bathalumang Mayari na sya lamang ang sambahin ng buong Callisto, tinangka nyang patayin si Bathalang Sol.
Ginamit nya ang lahat ng kapangyarihan nya para sirain ang araw; ang pangunahing pinag kukunan ng kapangyarihan at lakas ni Sol.
Nagtagumpay si Mayari ngunit naging kapalit nito ang buhay nya.
Naging limitado ang kapangyarihan ni Sol dahil sa pagkawala ng araw.
Nagumpisang balutin ng dilim at yelo ang buong Callisto dahil nawala ang araw na nagbibigay ng liwanag at init dito.
Kung magpapatuloy 'to, mawawala lahat ng mga nilalang nyang tao. Matitira lang ang mga nilalang ni Mayari na kayang mabuhay sa dilim at lamig.
Kahit alam ng Bathalang Sol na hindi na ganoon kalakas ang kapangyarihan nya, bumaba pa rin sya sa Callisto para tulungan ang mga tao.
Tinipon nya ang mga tao at pinagsamasama batay sa elementong nakokontrol nila.
Tubig, Apoy, Hangin at Lupa.
Ginamit ni Sol ang kalahati ng natitirang kapangyarihan nya para lumikha ng mga makapangyarihang elemento(sacred element) para magbigay pananggalang at proteksyon sa mga nilikha n'ya.
Tig-isang makapangyarihang elemento(sacred element) bawat uri ng tao. May natirang isang makapangyarihang elemento ngunit hindi sinabi ni Sol kung ano at para saan ito.
Dahil sa pagkakaloob ni Bathalang Sol ng mga makapangyarihang elemento, nahati ang Callisto sa apat na realm o teritoryo.
Mga pinakamakapangyarihan na tao ng bawat realm ang humawak sa mga makakapangyarihang elemento.
Tinuro ni Sol sa mga ito kung paano gamitin ang mga makapangyarihang elemento.
Ang bawat realm ay pinoprotektahan ng makapangyaring elemento. Ang makapangyarihang elemento ang nagbibigay ng pananggalang ng bawat realm sa nagyeyelong Callisto at nagpapanatili sa mga nilalang nang kapangyarihan na makontrol nila ang mga elemento ng Callisto.
Matapos ituro lahat ni Sol ang mga kailangan gawin ng mga nilikha, napagpasyahan na nyang umakyat sa nakalaang tahanan para sa kanya at gamitin ang natitirang kapangyarihan para gawing araw ang sarili.
Ngunit dahil mahina na si Sol, liwanag lamang ang kaya nyang ibigay sa Callisto. Walang init tulad ng orihinal na araw na sinira ni Mayari.
Doon nag-umpisa ang tungkulin ng bawat realm sa pagpapanitili ng bagong Callisto.
Mga Pyros ang nagpanatili ng init. Mga Aeros ang nagpapanitili ng sapat na hangin. Mga Hydros ang nagrarasyon ng tubig. Mga Terros naman ang nagrarasyon ng mga makakain.
Natuklasan rin nila kung para saan ang panlimang makapangyarihang elemento.
Ito ang elemento ng kuryente.
Nagumpisa rin lumabas ang mga taong may kakahayang manipulahin ang elemento ng kuryente. Mula sila sa lahi ng mga Pyros at Aeros. Tinawag silang mga Voltros.
Dahil mayroon silang sariling elemento na nakokontrol, napagpasyahan ng mga realm na gawan sila ng sariling Realm.
Tinayo ito sa gitna ng apat na realm at tinawag itong Electric Realm o Metropolis.
Ang mga Voltros ang lumilikha at nagpapaunlad ng teknolohiya ng buong Callisto.
Naging mapayapa, maunlad at moderno ang buong Callisto hanggang sa kasalukuyang panahon.
BINABASA MO ANG
The Dark Moon
FanfictionHighest Rank #37 [Tagalog] Fantasy-themed Fanfiction of 2 Moons Novel. All characters are based and owned by Chiffon_Cake. No copyright infringement intended. Coauthor: @SpicySweetPotato