VII. Clash of Ages

2.5K 183 211
                                    

Qm's: Comment and Vote for the finalé.

Phana's POV

Mukhang malapit na naming maubos ang mga halimaw dito sa pwesto namin.

Pakonti na kasi nang pakonti ang bilang ng mga sorkrops na nag-tatangkang pumasok dito sa katimugang tarangkahan.

"Nasaan ang alpha nyo?" tanong ko sa isang naghihingalo na sorkrops.

Kaibigan ko ang pinuno ng mga sorkrops bago pa sila mabaliw at nag-umpisang manggulo sa buong Callisto nitong mga nakaraang buwan.

Gusto ko syang makausap dahil hanggang ngayon ay nahihiwagaan ako kung bakit naging ganito ang lipi nila.

Noon kasi kaligtasan lang ng bawat sorkrops ang mahalaga sa pinuno nila kaya hindi sila basta basta umaatake hangga't 'di sila nakakaramdam ng panganib sa teritoryo nila.

Kaya nakakapagtaka talaga kung bakit bigla sila naging marahas at mapaminsala.

"Sumagot ka... Nasaan ang alpha nyo!?" pag-uulit ko sa tanong ko.

Hindi sumagot ang sorkrops hanggang sa malagutan sya ng hininga.

"Wag mo nang subukan mag-imbistiga dahil wala ka namang mapapala."

Napatingala ako sa nilalang na nagsalita.

Si Wayo.

Nakasuot sya ng armor na kagaya ng sakin.

"Bakit ganyan ka makatingin? Gusto mo na naman ba akong hubaran?" ngumisi si Wayo sakin.

"Nahihibang ka na Wayo! Hindi ko na uulitin ang pagkakamali ko sayo!" sigaw ko sa kanya.

"Talagang hindi na mauulit dahil wala na akong kailangan sayo! Ano ka sinuswerte?! Hahahaha."

Kinumpas ni Wayo ang kamay nya at mabilis na may tumubong mga baging sa paligid ko at agad na pinuluputan ang mga paa at kamay ko.

Hindi na ako makagalaw.

"Pumunta lang ako dito para patayin ka Phana. Isa ka kasing malaking hadlang para sa mga alaga kong sorkrops. Hindi sila makapasok sa Air Realm dahil sayo."

Lumapit sakin si Wayo at hinawakan ang labi ko.

"Kawawa naman ang bestfriend ko. Mamatay ka nang 'di ka man lang nya nahahalikan. Hahahaha."

Nilabas na ni Wayo ang espada nya at umambang itutusok sakin.

Sinubukan kong kontrolin ang mga baging na nakapulupot sakin para makawala ako pero nabigo ako.

Masyadong malakas ang kapangyarihan ni Wayo.

Pumikit na lang ako at tinanggap ang katapusan ko.

"Walang hiya ka! Ikaw ang dapat mamatay!" biglang may sumigaw.

Kung 'di ako nagkakamali ay boses ito ni Pring.

Kasunod ng sigaw ay tunog nang nalaglag na espada.

Napadilat na ako para tignan kung anong nangyayari.

Nakita kong may nakatarak na balaraw sa tagiliran ni Wayo. Sa gilid nya ay si Pring na mukhang hindi makapaniwala sa nagawa nya.

Unti-unting napaupo si Wayo dahil sa tama nya. Kasabay nun ay pagkawala ang mga baging na nakapulupot sakin.

"Anong ginagawa mo dito Pring? 'Di ba't mahigpit na utos ni Ming na wag kayong lalabas ng palasyo!?" may galit at pag-aalala sa tono ko.

The Dark MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon