Feisty Crown Prince

3.5K 210 187
                                        

Instagram: ooostrongph / mewartphilippines

Wayo's POV

Napangiti ako sa sinabi ni Pring.

Kahit naman pala pinaglihi sa sama ng loob ang Crown Prince namin, may natitira pa rin syang compassion sa katawan.

Nakakahiya naman kasi sa kanya kung hindi nya ko ililigtas 'di ba?

Dalawang beses ko kaya ni-risk yung buhay ko para sa kanya.

I hope naputanayan ko na sa kanya yun sarili ko... na loyal servant nya ako at hindi ako tulad nang iniisip nyang pabibo at mapagmalaking Aeros.

Pero hindi ko yun ginawa para patunayan ang sarili ko.

Ginawa ko yun dahil I still care for him kahit masama yun pakikitungo nya sakin.

Nirerespeto at tinuturing ko pa rin sya bilang Crown Prince namin and I'm still looking forward to work for him in the future.

Naniniwala kasi ako na spoiled brat at immature lang sya sa ngayon pero in time, magbabago rin sya.

"Kinikilig pa rin talaga ako noong nakita ko kung paano sya mag-alala sayo Wayo. Mula buhatin ka nya hanggang dito sa ospital. Ikaw na talaga. Ikaw na talaga ang susunod na Empress ng Air Realm!" dreamy pa yung expression ni Pring.

"Ano ka ba Pring, kahit sino naman siguro gagawin yung ginawa ni Prince Ming. Kahit ako, kung sya ang na-injured, bubuhatin ko rin sya papunta dito sa Electric Realm. Wag mong lagyan ng malisya."

Umiling-iling si Pring at mukhang hindi sya sang-ayon sa sinabi ko.

"Eh yung nag-request sya nang maraming Hydros na doctor para siguruhing magagamot ka? Ni peklat nga wala ka dahil sa dami nang gumamot sayo. Ngayon mo sabihin sakin na walang malisya yun?!"

Ako naman ang umiling.

"Pring nakalmot ako ng Bwarka. Alam mo naman kung gaano ka-poisonous yung kuko non 'di ba? Malamang kailangan ng maraming doctor para mailabas lahat ng lason na kumalat sa buong katawan ko."

Napaisip si Pring sa sinabi ko pero mukhang wala syang balak magpatinag.

"Sige sabihin na nating tama ka. Pero yung pagbabantay nya sayo magdamag? Don't tell me necessary din yun sa paggaling mo? Kakauwe nga lang nya kanina dahil pinilit namin syang magpahinga."

Okay.

Natigilan at ako naman ang napa-isip sa sinabi ni Pring.

Bakit nga naman ginawa ni Prince Ming yon?

"Ahh basta Pring walang ganon."

"Grabe ka talaga sakin Wayo." parang may tampo sa boses ni Pring.

"Bakit? Ano nanamang ginawa ko sayo?"

"Parang hindi tayo mag bestfriend. Ayaw mo umamin sa lagay nyo ni Prince Ming. Feeling ko tuloy wala akong kwentang tao."

Natulala ako sa drama ng bestfriend ko. Me ganon?

"Pring wala kasing ganon. Kung meron man, ikaw ang unang makakaalam."

Hindi sumagot si Pring. Nakanguso at nakayuko lang sya na para bang gusto nyang palabasin na ayaw ko talaga magsabi sa kanya.

"Meron akong crush."

Agad syang napatingin sakin dahil sa sinabi ko.

Mahihiya ang fireworks sa sparks ng mata nya ngayon.

The Dark MoonMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon