Slave 4 U

3.3K 234 308
                                    

QM's Note: As promised. Daily update tayo as long as nagcocomment and vote kayo. Maraming salamat. Nalilibang ako magbasa ng comments nyo 😘

Wayo's POV

Tumingin ako sa mukha ni Prince Ming habang naglalakad kami.

Tulad noong una ko syang dinala sa palengke, mukhang ansaya-saya at manghang-mangha sya sa mga nakikita nya ngayon.

Mula sa mga buhay na kubo at mga nagtatakbuhang kabataan.

Naglilibot kaming dalawa ngayon sa rural areas ng Air Realm.

"Magpahinga at magmerienda muna tayo Ming." turo ko ron sa maliit na bilihan ng merienda.

Kanina pa kasi kami talaga naglalakad at nagugutom na ko.

"Wayo, wala akong dalang ginto na pambili...." nag-aalangang sagot nya.

Medyo napangiti ako.

Briefs nga wala sya ngayon, ginto pa kaya?

"Ako merong dala." hinawakan ko yung kamay nya para hilahin papunta sa bilihan.

"Wayo nahihiya ako. Andami kong pinangako sayo tapos ngayon kahit merienda hindi kita mabilhan."

Napa-iling na lang ako.

Hindi ako sanay na ganito ang Prinsipe sakin.

Masyado naman ata sya naging gentleman.

Nasan na yung sadist na Prince Ming ko? Joke. Hehe.

"Wag kang mag-isip ng ganyan. Yung ginto ko, ito pa yung natira sa binigay mo sakin noon na pambili ng damit para sa grandball. So isipin mo na libre mo pa rin sakin 'to, okay?"

Hindi ko na sya hinintay sumagot, tuluyan ko na syang hinila sa bilihan.

"Wayo ano yan?" bulong sakin ni Prince Ming matapos nyang makita yun tindang merienda.

May hint ng pandidiri sa boses nya.

Well, 'di ko naman sya masisi dahil parang tae ng kalabaw talaga ang presentation ng nilupak. Haha!

"Nilupak ang tawag dyan. Masarap yan. Cake naming mahihirap yan." bulong ko rin sa kanya.

"Pabili nga po ng dalawang nilupak at dalawang buko juice." sabi ko don sa tindera.

"Kamote po o saging?" tanong sakin nun tindera.

Tumingin ako kay Prince Ming at nagtanong, "Anong gusto mo? Kamote o saging?"

"Ano bang masarap sa dalawa?"

"Uhmm mas gusto ko yung kamote." sagot ko.

"Sige ganun na lang din ang akin."

"Ate dalawang kamote po."

Tumango na lang yun tindera at inayos yun mga inorder ko.

~•~•~•~•~•~

Umupo kami sa ilalim ng malaking puno pagkatapos namin bumili.

Ang sarap panoorin ni Prince Ming kumain. Para syang batang kinikilig kapag sumusubo ng nilupak.

Para tuloy akong tangang ngingisi-ngisi rito.

"Kita mo na, kanina hesistant ka pa kainin ngayon sarap na sarap ka na." biro ko sa kanya.

"Haha sorry naman. Looks can be deceiving nga talaga."

"Marami pa kaming kakaibang pagkain, gusto mo rin bang tikman yun?" tanong ko sa kanya.

The Dark MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon