Instagram: mewartphilippines / ooostrongph
Wayo's POV
"Wayo pumasok na ko. Kanina pa kasi ako kumakatok pero 'di ka naman sumasagot."
Nag-anyong hangin si Pring para pumasok dito sa kwarto ko. Kanina pa kasi nya ako tinatawag pero hindi ko sya pinapansin.
"Wayo akala ko ba mamimili tayo ng mga gamit mo? Bakit ganyan ang suot mo? Binalikan kita sa registrar kanina pero wala ka na." tuloy-tuloy na tanong ni Pring.
Hindi ako sumagot. Wala talaga ako sa mood ngayon.
Matapos yung mga ginawa ni Prince Ming sakin kanina, para akong nawalan ng kaluluwa.
Natatakot ako para sa sarili ko. Natatakot ako para sa mga magulang ko.
Hindi ko na maintindihan yung Prinsipe. Baka sa susunod na magkamali ako sa paningin nya, totohanin nya na yung mga sinasabi nya.
Naiisip ko rin na may problema sa pag-iisip ang kamahalan.
Sinasaktan nya ko to the point na masugatan at magkapasa ako pero sinasabi rin nya na ayaw nya akong magalusan o kung ano pa man.
Ang weird 'di ba? Hindi kaya tinatakasan na sya ng bait?
Paiba-iba yung sinasabi nya at hindi ko alam kung saan ako lulugar.
Ine-expect ko nang mahihirapan ako pero hindi sa point na 'di ko na alam yung gagawin ko.
Mababaliw na rin ata ako.
"Wayo may problema ka ba? Bakit hindi ka kumikibo dyan?" nag-aalala yun tono ni Pring.
Umupo sya sa tabi ko dito sa edge ng kama. Yumuko sya para tignan yung mukha ko. Nakayuko kasi ako ngayon.
Narinig kong nagbuntong hininga sya pero hindi ko pa rin sya tinapunan ng tingin. Nakafocus lang yun paningin ko sa lapag.
Umayos na sya nang upo.
"Wayo pwede mo namang ikwento sakin kung may dinaramdam ka. Pero kung ayaw mo talaga magsalita at gusto mo magmukmok dyan, isipin mo rin sana na pasukan na bukas at kailangan na natin mamili ng gamit mo. Mamayang gabi ka na lang magdrama."
Hindi pa rin ako kumibo.
"Sige na nga. Hindi na kita pipilitin." naramdaman kong tumayo na si Pring.
"Oh sayo pala 'tong pulang box?"
Nakuha ni Pring yun atensyon ko sa sinabi nya. Napatingin ako sa kanya.
Inabot nya yung box na nakapatong sa kama at tinignan yung laman.
"Alam mo ba kung kanino galing yang box na yan?" tanong ko kay Pring.
"Hindi ako sigurado pero nakita ko 'tong pulang box na hawak ng isang alalay ni Prince Ming kanina."
Natulala ako sa sinabi nya.
"Pero malamang na kay Prince Ming nga galing 'to, Wayo. Halatang mamahalin lahat eh. Anlambot ng tela." dagdag pa nya.
Biglang nagflashback yun mga nangyari kanina sa isip ko.
Naalala ko kung paano kilatisin ni Prince Ming yung suot ko kanina.
So kaya sya nagalit dahil hindi ko sinuot 'tong mga bigay nya?
Ayoko maging ambisyoso pero naglalaro sa isip ko yung tanong na, 'nagselos ba sya?'
Asa pa ako. Bakit naman sya magseselos 'di ba?
BINABASA MO ANG
The Dark Moon
FanfictionHighest Rank #37 [Tagalog] Fantasy-themed Fanfiction of 2 Moons Novel. All characters are based and owned by Chiffon_Cake. No copyright infringement intended. Coauthor: @SpicySweetPotato