QM's Note: Goodluck na lang sa pagbabasa. 😖😘 comment and vote.
Wayo's POV
11 months na pala akong nagdadalang-tao.
Yan ang sabi ng doctor noong nahimatay ako sa noong investiture ng mga sacred elements.
7 months na lang manganganak na ako.
18 months kasi nagbubuntis ang mga lalake. Doble ang tagal sa pagbubuntis ng mga babae.
Hindi ko namalayan na buntis pala ako dahil wala namang pagbabago sa katawan ang mga lalaki sa first 9 months ng pregnancy.
Ang paglaki ng tyan ay naguumpisa sa 10th month ng pregnancy.
May mga signs na buntis ang mga lalaki pero 'di ko naman pinansin.
Ngayon lang nag make sense sakin ang lahat kung bakit madalas na may cravings ako sa sweets at sensitive ang pang-amoy ko noong mga nakaraang buwan.
So ayun na nga, nabuntis pala ako noong unang gabi na may nangyari samin ni Prince Ming.
Hindi na ako masyadong nag-isip kung paano nangyari dahil naalala ko na hinang-hina si P'Mac noong gabi na yun sa kadahilanang ginamot nya yung kambal nya.
Hindi nya nagampanan mabuti yung trabaho nya. But still, 'di ko naman sya sinisisi sa mga nangyari.
In fact sobrang saya ko pa nga dahil magiging magulang na pala kami ni Prince Ming.
Wala na akong pakielam kahit mawalan ako ng kapangyarihan dahil sa pagbubuntis na 'to.
Iniisip ko na lang na sana maging malusog ang magiging anak ko.
Lalo na't confirmed na lalake pala ang magiging anak ko.
Yan ang sinabi ng mga doctor at babaylan na tumingin sa akin.
Sobrang saya ni Prince Ming dahil meron na raw sya agad tagapagmana.
Ito nga sya ngayon at kinakausap ang tyan ko habang nakahiga ako dito sa kwarto ko sa palasyo ng Air Realm.
"Baka pag sumagot yan mapatalon ka sa takot." biro ko sa kanya.
"Bat naman ako matatakot? Ibig sabihin lang nun sobrang talino ng anak ko dahil kaya nya nang magsalita kahit nasa sinapupunan mo pa sya." pagmamalaki pa nya.
Hinalikhalikan pa nya yung tyan ko acting na sobrang proud nya sa anak namin.
"Wish mo lang na sakin magmana ang baby natin. Kung sayo kasi siguradong matigas ang ulo nyan! Hahaha."
"Baby oh, yung mama mo inaaway ako. Wag kang magmamana sa kanya ha? Bad kasi sya eh." parang nakikipagusap talaga sa bata yung tono ng boses nya.
Ang cute nya! Hindi mo aakalaing sya ang susunod na Emperor ng realm na 'to.
"Eh 'di kayo na ang magkakampi ng baby natin. Gusto ko magkaanak din tayo ng prinsesa para may kakampi rin ako."
Napatingin sakin si Prince Ming dahil sa sinabi ko.
Ngumisi sya na para bang may naiisip na kalokohan.
"Uhmm eh kung gawin nating kambal ang anak natin para may kakampi ka?"
"Bugok! Kambal mo mukha mo!"
"Hahahaha. Biro lang naman. Alam kong maselan ang pagbubuntis mo kaya 'di ako gagawa ng kalokohan."
"Ewan ko sayo. Hindi ka pa ba babalik sa kwarto mo? Mamaya mahuli ka pang pinuntahan mo ako dito."
![](https://img.wattpad.com/cover/132191401-288-k719401.jpg)
BINABASA MO ANG
The Dark Moon
Fiksi PenggemarHighest Rank #37 [Tagalog] Fantasy-themed Fanfiction of 2 Moons Novel. All characters are based and owned by Chiffon_Cake. No copyright infringement intended. Coauthor: @SpicySweetPotato