Wayo's POV
Para akong namanhid sa mga narinig ko sa Prinsipe.
Naiwan akong tulala dito sa kwarto nun lumabas sya ng pinto.
Hindi ko na maramdaman yun sakit ng katawan kong kakatapos lang nya gamitin.
Parang naninikip yung dibdib ko at hindi ako makahinga.
Ayaw tanggapin ng sistema ko yun mga nalaman ko.
Gusto kong tumakbo ngayon papunta kay Beam kahit disoras na ng gabi.
Gusto ko na syang tanungin para patunayang hindi totoo yun mga iniisip ko at mga sinabi ni Prince Ming.
Tiwala ako kay Beam at alam kong pinaglalaruan lang ni Prince Ming ang isip at puso ko para masaktan ako.
Bukod sa magulang at bestfriend ko, isa si Beam sa mga taong alam kong totoo sakin at hindi ako magagawang lokohin.
Beam please... Naniniwala akong hindi ka katulad ng iba na gusto akong gamitin at paglaruan.
Biglang may kumatok sa pinto.
"Nong Wayo, Si Mac ito. Pinapunta ako ng Crown Prince. Papasok na ako."
Pumasok na nga si P'Mac dito sa loob.
Inabutan nya akong hubo't hubad pero hindi na ako nag-bother na magtakip or ano pa man.
Mukhang alam na rin naman nya yun mga nangyari.
Lumapit sya sakin at inumpisahan akong gamutin.
Parang may kakaiba sa kanya ngayon. Dim yung pag-ilaw ng kamay nya.
Nanghihina ba sya?
"P'Mac okay ka lang ba?" hindi ko naiwasang mag-alala.
Tumango sya sakin pero sa tingin ko hindi talaga sya okay.
"Sinaktan ka ba ni Prince Ming?"
Malamang kasi na may ginawa sa kanya kaya nanghihina sya ngayon.
Na-guilty tuloy ako bigla.
Pakiramdam ko kasi... kasalanan ko lahat kung bakit sila sinasaktan ng Crown Prince.
Nadadamay sila sa init ng ulo ni Prince Ming dahil sakin.
"Shhhh nong. Baka marinig ka ng Crown Prince. Hindi nya ako sinaktan, ginamot ko si Mic nang palihim kaya nanghihina ako." halos pabulong sya nagpaliwanag.
Aww. Kaya pala.
"Magpahinga ka muna P', bukas mo na lang ako gamutin kapag nakabawi ka na ng lakas. Hindi naman ako masyadong nasaktan. Kaya ko pa ang sarili ko."
Umiling sya.
"Hindi pwede nong. Malalagot ako sa Prinsipe kung papabayaan kita atsaka kailangan kong linisin yang katawan mo para 'di ka mabuntis."
Hindi na ako kumibo. Para akong nanliit sa salitang 'mabuntis'.
Pinagpatuloy na ni P'Mac yun panggagamot nya sakin kaso napansin kong he's really struggling.
Habang gumiginhawa yun pakitamdam ko, mas lalo naman syang nanghihina.
Sigh.
Ayokong nakakakita ng ibang nilalang na nahihirapan para sa ikakabuti ko.
~•~•~•~•~•~•~
*Morning
Nagising ako nang wala na si Prince Ming dito sa kwarto.
BINABASA MO ANG
The Dark Moon
FanfictionHighest Rank #37 [Tagalog] Fantasy-themed Fanfiction of 2 Moons Novel. All characters are based and owned by Chiffon_Cake. No copyright infringement intended. Coauthor: @SpicySweetPotato