Qm's note: Kung 'di kayo mag cocomment at vote. 'di na ko mag dadaily update. Haha. Oo sapilitan na 'to.
Wayo's POV
Hindi ako makatulog kaya napagdesisyunan ko munang tumambay dito sa fountain sa gitna ng university.
Gusto ko munang magmuni-muni at pakinggan yung lagaslas ng tubig dito sa fountain para ma-relax ang utak ko.
Malapit na kasing sumabog dahil sa kakaisip ng mga bagay-bagay.
Bakit naman kasi ganon yung reading ng astrologer sa star ko?
Magiging successful daw ako pero may darating na nilalang para agawin lahat ng success ko sa future.
Ang saya-saya 'di ba?
Sino namang gaganahan kapag ganyan yung nalaman mo?
Pakiramdam ko wala na akong saysay dito sa Callisto ngayon pa lang.
Napabuntong hininga na lang ako.
Kahit sinabi kanina ng astrologer na hindi ko dapat damdamin yung reading ng star ko, hindi ko maiwasan maging pessimistic.
"Mukhang ang lalim ng iniisip mo ah."
Napatingin ako sa nagsalita.
Si Beam.
"Pwede ba akong tumabi sayo?" tanong nya.
Hindi ako sumagot but still, umupo pa rin sya sa tabi ko.
Nakalimutan ba nyang inis ako sa kanya?
"Pabalik na sana ako sa apartment ko pero nakita kita dito at ramdam na ramdam ko sa malayo yung gloominess ng emotion mo."
Hindi ako tumitingin or nagtapon man lang nang konting atensyon sa kanya.
"Ito kumain ka muna para gumaan kahit papano yang dinaramdam mo."
Narinig ko na binubuksan nya yung paperbag na dala nya.
Mabilis na nag-diffuse sa hangin yung amoy nun laman ng paperbag.
Amoy burger.
Teka teka.
Alam ba ni Beam yun mga iniisip ko?!
Kanina kasi nagke-crave ako sa burger pero nawalan ako ng gana dahil nga don sa sinabi ng astrologer.
"Ito kunin mo."
Inabot nya sa harap ko yung burger na sobrang bango sa pang-amoy ko.
What to do?!
Kukunin ko ba o hindi?
(Wayo pinapaalala ko lang sayo na galit ka sa nilalang na yan)
Ano na?!
Napapalunok na ako ng laway dahil sa amoy ng burger sa harap ko.
Food or pride?!
Fuck pride!!
Inabot ko na yung burger mula sa kamay nya.
"Kain ka na Wayo. Hehe."
Kahit awkward yung tono ni Beam, feeling ko ako yung nakakahiya saming dalawa.
Siguro tawang-tawa sya sakin ngayon dahil pagkain lang pala ang katapat ng galit ko.
Pasimple akong tumingin sa kanya.
Akala ko nakatingin sya sakin at tumatawa pero hindi naman pala.
Binubuksan na nya yung isa pang burger na galing sa paper bag.
BINABASA MO ANG
The Dark Moon
FanfictionHighest Rank #37 [Tagalog] Fantasy-themed Fanfiction of 2 Moons Novel. All characters are based and owned by Chiffon_Cake. No copyright infringement intended. Coauthor: @SpicySweetPotato