QM's Note: Sa totoo lang hilong hilo ako isulat ang chapter na to. Sana ay mag mag vote at comment kayo kung na appreciate nyo. Haha.
Ming's POV
"Wayo!!!!!"
Sinubukan kong iligtas si Wayo pero huli na ang lahat. Bago ko pa maabot ang kanyang kamay ay tuluyan na syang nabalot ng anino at naglahong parang bula.
Napaluhod ako habang nanginginig ang mga kamay.
Kitang-kita ko yung takot sa mga mata ni Wayo bago sya nawala sa harap ko.
Wala man lang akong nagawa para iligtas ang asawa ko.
"Walang mangyayaring masama sa mahal na Empress." biglang may bumasag sa katahimikan nitong bulwagan.
Si Pree.
Lumapit sya sakin at nilahad ang kamay para itayo ako pero hindi ko sya pinansin.
"Wala nang panahon para magdamdam ka Ming, kailangan mong ihanda ang buong Air Realm para sa digmaan na magaganap bukas."
Napatingala ako kay Pree dahil sa mga sinabi nya.
"Bukas? Ang alam ko'y anumang oras susugod na ang mga halimaw dahil wala na sakin ang sacred element. Wala na ang pananggalang." pagtatama ko sa kanya.
"Alam ko, kaya nga't gumawa ako nang pansamantalang pananggalang na magtatagal hanggang bukas ng umaga para magkaroon pa kayo ng oras na maghanda sa pinakamalaking digmaan na magaganap sa Callisto."
Halos malaglag ang panga ko sa sinabi ni Pree.
Kaya nyang gumawa ng pananggalang?
Kahit 'di ako makapaniwala ay mukhang totoo talaga ang mga sinasabi nya dahil hindi ko pa naririnig ang hudyat na wala na ang pananggalang.
Hindi nila ito papatunugin hangga't hindi nakakapasok ang nyebe sa realm.
Argh! Ano ba talaga 'tong si Pree?
Mas lalong nagugulo ang utak ko dahil sa misteryo nya.
Pareho talaga silang misteryoso ni Wayo.
"Sino ka ba talaga Pree? Paano ka nakakasiguradong walang mangyayaring masama kay Wayo? Tsaka bakit kaya mong gumawa ng pananggalang eh wala ka namang hawak na sacred element?"
Ngumiti si Pree bago sumagot.
"Malalaman mo rin kung sino ako. Ang mahalaga ngayon ay maihanda mo ang buong realm sa paparating na digmaan sa pagitan ng mga nilalang at mga halimaw."
Nilahad ulit ni Pree ang kamay nya sa pangalawang pagkakataon.
"Tapusin mo ang sinimulan mo kamahalan. Hindi ka namin sinisisi sa naging desisyon mo na ibigay kay Wayo ang huling sacred element. Lahat kayo dito ay naging sakim at nagpadala lamang sa emosyon." dagdag pa nya.
"Ming patawarin mo kami." si Kit.
Nakalapit na pala ang mga kaibigan kong EG samin ni Pree.
"Ming patawad. Ako ang unang nagsinungaling. Sakin mo ibunton lahat ng galit mo." paliwanag ni Phana.
"Hindi ako nararapat sa kapatawaran mo Ming. Naturingan akong pinakamatalik mong kaibigan pero isa akong malaking traydor. Pero ganun pa man ay gusto ko pa ring humingi ng tawad sayo." si Beam.
"Tumayo ka na dyan Ming. Kailangan ka ng buong Callisto ngayon. Isantabi muna natin ang mga galit natin sa isa't isa. Nasa kapahamakan ang buong Callisto dahil nagpadala tayong mga elemental guardian sa pag-ibig. Nilagay natin ang lahat sa tiyak na kapahamakan. Ngayon ang tamang oras na bumawi tayo sa kanila. Lumaban tayo." paliwanag ni Forth.
![](https://img.wattpad.com/cover/132191401-288-k719401.jpg)
BINABASA MO ANG
The Dark Moon
FanficHighest Rank #37 [Tagalog] Fantasy-themed Fanfiction of 2 Moons Novel. All characters are based and owned by Chiffon_Cake. No copyright infringement intended. Coauthor: @SpicySweetPotato