Wayo's POV"Waaaaaaaaaaaaaa!!" malakas na sigaw ko pagdilat ko ng mata.
Wala akong makita! Ang dilim!
Bulag na ba ako??
"Wayo!! Ano ba?! Ang ingay mo natutulog pa ko eh!!" iritableng sagot ni Pring.
"Pring bulag na ako! Wala akong makita!" sigaw ko ulit.
Narinig kong bumangon si Pring sa kama.
"Boba hindi ka bulag."
Naramdaman kong lumapit sya sakin.
"Nasa mukha mo lahat yang mahaba mong buhok." inayos nya yung mukha ko hanggang sa makakita na ako.
Nakahinga ako ng maluwag.
Akala ko talaga bulag na ko.
Nawala sa isip ko na mahaba nga pala yung buhok ko.
"9AM na pala Wayo. Anong gusto mong breakfast? Ipagluluto kita kamahalan." biro ni Pring sakin.
"Kamahalan ka dyan!" saway ko sa kanya.
"Wag ako Wayo. Ano ngang gusto mong breakfast? Ayokong mapagalitan ng Crown Prince pag nagutom ka."
Napa-iling na lang ako.
Talagang kinarir na ni Pring yun utos ni Prince Ming sa kanya.
Kagabi noong pinauwi ako ni Prince Ming galing sa ball, inutusan nya si Pring na samahan at bantayan ako.
Yan ang dahilan kung bakit dito sya natulog sa apartment ko.
"Bahala ka na. Basta after ng breakfast gupitan mo na ko ng buhok ah?"
Ngumisi si Pring.
"Tanga wag muna. Gandang ganda kaya sayo si Prince Ming. Hiyang-hiya ako sa pag-aalala nya sayo kagabi. Ayiee!" kilig na kilig yun tono ni Pring.
"Ehh 'di sige, sasabihin ko kay Prince Ming na ayaw mo akong gupitan. Sasabihin ko rin na ikaw ang may pakana na magdamit babae ako." pananakot ko sa kanya.
"Grabe ka naman bestfriend. Joke lang 'di ka naman mabiro. Oo na po gugupitan na kita mamaya."
Napangisi na lang ako. Madali naman palang kausap 'tong bestfriend ko.
"Sige na, magluto ka na. Sarapan mo ha. Para kapag nakatira na ko palace ng Air Realm ikaw ang punong tagapaglingkod ko." biro ko sa kanya.
Biglang kumislap yung mata ni Pring dahil sa narinig nya.
"Oh my God! Sabi ko na nga ba malandi kang tunay Wayo! Kayo na ni Prince Ming no?!"
"Baliw! Hindi no. Binibiro lang kita. Pero malay mo naman in the future 'di ba?"
"Ewan ko sayo Wayo. Ayaw mo pa kasi umamin kahit halatang bet na bet ka naman ni Prince Ming. Dyan ka na nga, maghihilamos na ko para makapagluto na."
Lumabas na si Pring ng kwarto.
Naiwan akong nag-iisip dito sa kama ko.
Naalala ko yung sinabi ni Prince Ming na mahal nya raw ako.
Mabilis na uminit yun pisngi ko.
Fuck! Kinikilig ba ko?
Alam ko namang sinabi lang nya yun para kuhanin ang loob ko pero bakit may part sa pagkatao ko na naniniwalang totoo yung sinabi nya?
BINABASA MO ANG
The Dark Moon
FanfictionHighest Rank #37 [Tagalog] Fantasy-themed Fanfiction of 2 Moons Novel. All characters are based and owned by Chiffon_Cake. No copyright infringement intended. Coauthor: @SpicySweetPotato