Xerothermic Kingdom

2.3K 166 101
                                    


Ming's POV

Dalawang araw ko pa lang hindi nakikita si Wayo pero gustong gusto ko nang sumunod papunta ng Fire Realm.

Ramdam na ramdam ko kasing may hindi magandang pinagdadaanan ang asawa ko kahit magkalayo kaming dalawa.

Napaparanoid na tuloy ako dito.

Hindi pumasok sa isip ko yung mga pinag-usapan namin ng mga ministro buong maghapon.

Hanggang ngayon wala pa rin ako sa sarili ko kahit naglilibang ako.

"Wala pa bang balita kung nasaan na ang expedition ng mga kamahalan?" tanong ko sa Heneral na kasama kong nag-eensayo ng espada.

"Wala pa kamahalan. Bihira din ang mga mangangalakal ngayon na galing sa ibang realm kaya wala talaga kaming masagap na balita."

"Bakit bihira? May problema ba?"

"Masyado raw pong delikado lumabas ng mga realm ngayon dahil masyadong mabangis ang mga halimaw sa labas."

Tumango na lang ako sa mga sinabi nya.

"Sige bukas na lang ulit tayo mag-ensayo. Gusto ko nang magpahinga."

"Masusunod po kamahalan." yumuko na sya at umalis dito sa sparring room.

Wala naman sigurong masamang nangyari kay Wayo dahil marami naman silang kasama na royal guards.

Sana nga.

~•~•~•~•~•~•~•~

Pangatlong araw na nang pag-alis nila Wayo dito sa palasyo.

Wala pa rin nababago, andito pa rin yung kaba sa puso't isip ko.

Konting hintay na lang mahal ko, magkikita rin tayo.

Ngayong araw kasi ang scheduled na uwi ng expedition nila.

"Kamahalan?"

"Kamahalan??"

"Kamahalan nakikinig po ba kayo?"

Bigla akong natauhan sa tawag ng mga ministro sakin.

"Nakikinig ako." palusot ko pa.

"Ano pong masasabi nyo sa pamilyang taga-norte na ayaw sumunod sa bago nating batas?" tanong sakin ng punong ministro.

"May hinihiling ba sila o gustong makuha kaya sila nagmamatigas?"

"Koneksyon sa palasyo ang hinahangad nila kamahalan. Balita na po sa buong Air Realm ang nalalapit na pagbaba ng Emperor sa trono."

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ng ministro.

"Wala po kayong dapat ikabahala kamahalan dahil nangyayari ito sa tuwing may uupong bago sa trono." dagdag pa nya.

Alam kong pagkakaroon ng ibang asawa ang tinutukoy ng ministro.

"Naiintindihan ko. Ngunit ang muling pag-aasawa ko ay nasa pagpapasya ng aking unang asawa. Tungkulin ng susunod na Empress ang pagpili at pagkilatis ng mga pamilyang magiging konektado sa royal family. Kung hindi napipili ng asawa ko ang pamilyang taga-norte ay wala akong magagawa. Gagamit tayo ng dahas para pasunurin sila."

"Naiintindihan po namin kamahalan." sagot ng mga ministro.

"Kamahalan, dumating na po ang mga kamahalan sa Air Realm. Malapit na po sila sa palasyo." bulong sakin ng tagapayo ko na kakapasok lang dito sa bulwagan.

The Dark MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon