V. The Dark Moon Rises

2.2K 166 108
                                    

Qm's Note: Comment and vote!

Ming's POV

"Kamusta ang lagay ni Wayo?" tanong ko kay Pree na katatapos lang tignan ang lagay ng asawa ko.

Nawalan kasi ng malay si Wayo matapos nyang sabihin sakin na nakuha na nya ang fire sacred element ni Forth.

Si Pree lang ang alam kong may alam sa bagay na 'to kaya sya ang pinatawag ko.

"Walang sakit si Wayo o ano pa man. Ang problema ay hindi kinakaya ng katawan nya ang sobra-sobrang kapangyarihan na nasa loob nito. Mukhang nakuha na nya ang sacred element ng Fire Realm." paliwanag  ni Pree.

"Bago sya nawalan ng malay ay sinabi nya saking nakuha na nga nya ito."

Napatango na lang si Pree sa mga sinabi ko.

"Anong balak mo ngayon kamahalan? Ang sacred element mo na ang susunod nyang kukunin kapag bumalik na ang malay nya. Hawak mo na ngayon ang kapalaran ng buong Callisto."

Napabuntong hininga ako dahil sa katanungan ni Pree.

Ano nga ba ang dapat kong gawin?

Ang totoo nyan ay gusto kong ibigay ang sacred element ko kay Wayo dahil tiwala naman ako sa hangarin nyang ibalik ang buhay ng anak namin.

Pero wala akong tiwala sa nilalang na nakikita nya sa panaginip. Ramdam kong may masamang balak ang nilalang na yun.

"Hindi ko alam Pree. Naguguluhan ako kaya hindi ako makapagdesisyon. Pakiramdam ko ay mga bagay pa akong hindi nalalaman tungkol kay Wayo." sobrang frusrated ng tono ko.

Ngumiti si Pree dahil sa sinabi ko.

Nagagalak ba syang makita akong nahihirapan? Nakakainsulto.

"Nakikita ko nga sa mga mata mo na ika'y naguguluhan kamahalan ngunit nakikita ko rin na may desisyon ka na talaga... at yun ay ang ibigay ang sacred element mo kay Wayo."

Para akong hinipan ng malamig na hangin dahil sa kilabot na naramdaman ko nun marinig ko ang mga sinabi nya.

Isa pa 'tong si Pree eh! Napakamisteryoso nyang nilalang.

Ramdam kong may alam sya pero ayaw nyang sabihin.

"Tama ka Pree. Balak ko ngang ibigay ang sacred element ko kay Wayo kapag hiningi nya ito sakin. Pero bago ko gawin yun ay nakikiusap ako sayo na sabihin mo na sakin ang mga nalalaman mo nang sa gayon ay maiwasan ko ang mga hindi magandang bagay na maaring mangyari sa hinaharap."

"Patayin mo na si Wayo habang may oras ka pa. Yan lang ang tanging payo na maibibigay ko sayo."

Napapikit at napakuyom ako ng kamao dahil sa mga sinabi nya.

"Napakadaling sabihin sayo ng bagay na yan dahil wala kang nararamdaman para kay Wayo. Pero paano naman ako? Mahal na mahal ko si Wayo nang higit pa sa buhay ko. Para ko na ring pinatay ang sarili ko kapag pinatay ko ang asawa ko."

Naramdaman ko na lang na pumatak ang luha ko dahil sa mga extreme emotions na nararamdaman ko ngayon.

Nakita ko si Pree na nakangiti nanaman sakin.

Natutuwa ba talaga sya sa paghihirap ng iba?

"Napakagandang talagang pagmasdan nang kapangyarihan ng pag-ibig. Walang kapangyarihan sa Callisto ang papantay sa lakas nito."

Tinapik ni Pree ang balikat ko.

"Iiwan na kita kamahalan, babalik na ako sa aking silid. " paalam nya sakin.

The Dark MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon