QM's Note: Last chapter? Comment and vote!
Ming's POV
Nagtalaga ako ng dalawang royal guard at dalawang servant para magbantay kay Pring hangga't hindi namin nareresolba ang pagkawala ng sacred element ni Phana.
"Hindi kita pinagdududahan Pring dahil alam ko namang 'di mo magagawa yun kay Phana. Kailangan lang talaga natin mag-ingat dahil 'di natin alam kung sino ang totoong kalaban." paliwanag ko sa kanya.
Totoo yang sinasabi ko na hindi ko sya pinagdududahan dahil ako mismo ang witness na 'di sya umaalis dito sa palasyo kahit sandali.
Maghapon magdamag syang nakabuntot sakin dahil sya ang punong tagapaglingkod.
"Naiintindihan ko po kamahalan." magalang na sagot nya.
"Sige maari ka nang magpahinga. Alam kong masyadong nakakapagod ang mga nangyayari ngayon sa Callisto."
"Salamat po kamahalan."
Yumuko na sya at naglakad paalis kasama ang mga tauhang tinalaga ko sa kanya.
~Napasapo na lang ako ng noo nun naiwan na akong mag-isa dito sa throne room.
Bakit hindi maubos-ubos ang mga problema ko?
Walang na ngang nareresolba, lalo pang nadadagdagan.
Nitong nakaraan problema sa pamilya at pagiging Emperor ko, ngayon naman problema sa pagiging elemental guardian ko.
Pakiramdam ko sinumpa na talaga ni Bathalang Sol ang buhay ko.
Wala na ba akong karapatang sumaya?
"Kamahalan, narito po sa labas ang inyong tagapayo." sigaw ng servant ko saabas ng throne room.
"Sige, papasukin nyo ang aking tagapayo."
Mabilis namang bumukas ang pinto at niluwa nun ang tagapayo ko.
Gabi na pero bakit parang nagmamadali pa syang kausapin ako?
"Bakit ka naparito?" tanong ko sa kanya.
"Kamahalan kakabalik ko lang galing sa tinutuluyan ng mga Terros gaya ng inutos nyo."
"Kamusta ang mga Terros? May sapat ba silang pagkain at mga pangunahing pangangailangan?"
"Maayos po ang lagay ng mga Terros kamahalan."
"Kung gayon ay maari ka nang magpahinga."
"Salamat po kamahalan ngunit may isa pa akong iuulat." medyo naging tensionado yun mukha ng aking tagapayo.
"Ano yun?"
"Narito po ang mga magulang ng Empress sa palasyo. Nais po nila kayong makausap."
Para akong binuhusan nang malamig na tubig sa mukha dahil sa sinabi nya.
"Nasaan sila?"
"Pinatuloy ko po muna sila sa isang silid dahil akala ko'y nagpapahinga na kayo kamahalan."
"Samahan mo ako sa silid nila."
"Masusunod po kamahalan."
Nag-anyong hangin kami patungo sa silid na tinutuluyan ng magulang ni Wayo.
"Narito po ang mahal na Emperor sa labas ng inyong silid." sigaw ng tagapayo ko sa harap ng pintuan pagdating namin.
Mabilis naman kaming pinagbuksan ng pinto.
BINABASA MO ANG
The Dark Moon
Fan-FictionHighest Rank #37 [Tagalog] Fantasy-themed Fanfiction of 2 Moons Novel. All characters are based and owned by Chiffon_Cake. No copyright infringement intended. Coauthor: @SpicySweetPotato
