II. Infidelity & Dishonesty

2.3K 177 86
                                    

~Air Realm~

Ming's POV

"Kamahalan, may gusto po akong sabihin sa inyo."

Biglang nagsalita si Pring habang sine-serve nya yung tanghalian ko.

"Ano yon punong tagapaglingkod?"

"Uhm alam ko pong wala ako sa lugar upang sabihin ito ngunit may napapansin po ako sa Empress."

Napabaling ako nang tingin sa kanya nun banggitin nya ang asawa ko.

"Anong meron sa asawa ko?"

"Kamahalan parang hindi ko na po kilala ang Empress. Para na syang ibang tao. Sinasabi ko po ito bilang matalik nyang kaibigan."

"Paano mo nasabi yan? Ano ang pinag-bago ni Wayo kaya hindi mo na sya makilala?"

"Ang ugali po ng Empress, kamahalan. Madalas po nyang saktan ang mga tagapaglingkod nya nitong nakaraan. Ang Wayo na kilala ko po ay hindi kayang manakit dahil napakabuti nya pong nilalang. Ngayon ko lang po sya nakitang ganito kagaspang ang ugali. Isa pa po ay parang hindi na nya ako kilala. Pakiramdam ko po talaga ay ibang nilalang na ang kamahalan."

Napayuko na lang ako dahil sa mga narinig ko mula kay Pring.

Totoo kasi lahat nang sinabi nya.

Isang linggo na ang nakakalipas mula noong bumalik sya dito sa palasyo at isang linggo na rin akong parang nakikisama sa ibang nilalang.

Madalas mainit ang ulo nya sakin. Parang ayaw na nga nya akong makita.

Tuwing bibisitahin ko sya sa kanyang silid ay gumagawa sya ng dahilan para paalisin ako agad.

Kahit nga ang mga kaibigan naming elemental guardian ay hindi nya pinapansin.

Kaya 'di na rin ako nagtaka na ganun din pala ang turing nya kay Pring.

Nakikita ko na lang talaga na ngumingiti si Wayo tuwing pumupunta sya sa kampo ng mga refugees at nakikipaglaro sa mga bata.

"Napansin ko rin lahat nang iyong sinabi punong tagapaglingkod, pero ang payo ko ay intindihin na lang natin ang Empress. Hanggang ngayon kasi ay nagluluksa pa rin sya sa pagkawala ng anak namin." paliwanag ko kay Pring.

"Masusunod po kamahalan. Patawarin nyo po ako kung hinusgahan ko agad ang mahal na Empress." yumuko si Pring sakin.

"Hindi mo kailangan humingi ng tawad, alam kong nag-aalala ka lang din para sa kanya kaya mo nasabi ang lahat."

"Maraming salamat po kamahalan sa inyong malawak na pag-unawa."

Tumango na lang ako sa kanya.

~•~•~•~•~•~•~•~•~

"Kamahalan, narito po ang Hari ng Fire Realm para kausapin kayo." sigaw ng tagapaglingkod ko sa labas nitong throne room.

Napatigil ako sa pagbabasa ng mga ulat dahil sa narinig ko.

Anong gingawa nya dito?

"Papasukin nyo ang kamahalan." utos ko sa kanila.

Mabilis naman silang sumunod sa utos ko.

Pinapasok nila ang Hari dito sa loob ng throne room.

"Kamahalan, anong sadya nyo rito sa aking palasyo?" bati ko sa kanya nun makalapit sya sakin.

"Emperor Ming, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa... may nais akong ipakita sayo kaya ako naparito."

"Ano yun?"

The Dark MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon