Qm's note: Sorry sa delay. Napublish ko 'tong chap nang hindi tapos. Nun inunpublish ko nawala lahat ng sinulat ko. Ayun. Inulit ko lahat sa umpisa. Comment and vote, for daily updates 😘
Wayo's POV
"Wayo, bakit 'di mo ginagalaw yang pagkain mo?" Nag-aalalala yung tono ni Ma.
Kanina pa kasi ako nakatanga dito sa harap ng lamesa.
Tinititigan ko lang 'tong umagahan ko at walang gana kumain.
"Wala Ma. Wag mo na kong pansinin dito. May iniisip lang ako."
"Okay. Ikaw nang bahalang maghugas sa pinagkainan mo ha?"
Tumango na lang ako at naglakad naman na paalis si Ma dito sa kusina.
Sigh~
Ano ba kasi 'tong kadramahan na ginagawa ko?
For f•ck's sake, umuwi lang si Prince Ming sa palasyo pero para na akong namatayan at pakiramdam ko hindi na sya babalik.
Kailan pa ako naging clingy? Hindi ako na-inform.
Argh~
Ganito ba talaga pag inlove? Hindi naman ako ganito noon kay Beam.
I mean, kuntento na ako kapag nakikita ko sya pero 'di ako dumating sa point na gusto kong parati kaming mag-kasama.
Hindi kaya ginayuma ako ni Prince Ming kaya ako nagkakaganito?
Ewan! Basta gusto kong makita ang mukha nya ngayon.
Gusto kong kurutin yun pisngi nya.
Gusto kong akapin sya ng mahigpit.
Gusto ko syang molestyahin. Joke!
Malala na ako. Napa-iling na lang ako sa mga napag-iisip ko.
Niligpit ko na 'tong pagkain ko.
Wala talaga akong gana kumain.
May naisip akong gawin.
I must satiate this itch.
~•~•~•~•~•~•~
"Tito nasaan po si Pring?"
Andito ako ngayon sa bahay nila Pring.
Oo na.
Plano kong yayain si Pring na pumunta sa palasyo.
"Naku... kanina pa sila umalis Wayo."
"Sila?" pagtataka ko.
"Oo. May bisita si Pring na dumating kanina, classmate nyo daw."
Classmate? Si Pha kaya yung tinutukoy ni tito?
Si Pha at Forth lang naman ang close namin ni Pring.
"Tito sino pong classmate namin? Nasabi po ba yun pangalan?"
"Nasabi kaso 'di ko na matandaan. Haha." natawa si tito sa sarili nya.
"Ahh okay po. Saan daw po sila pupunta? Nasabi po ba ni Pring?"
"Ahh oo. Isang oras ang nakalipas noong dumating ang kaklase nyo, may dumating naman na mga royal guards para sunduin si Pring. Pumunta sila sa palasyo."
Ohhh. Ano naman kayang dahilan at pinapunta si Pring don?
Sayang. Kung mas inagahan ko pala ng punta dito, nakasabay na ako papunta sa palasyo.
"Anong oras po sila umalis tito?"
"Mga 8AM sila umalis Wayo."
Tumingin ako sa relo ko. Almost 11AM na.
BINABASA MO ANG
The Dark Moon
FanfictionHighest Rank #37 [Tagalog] Fantasy-themed Fanfiction of 2 Moons Novel. All characters are based and owned by Chiffon_Cake. No copyright infringement intended. Coauthor: @SpicySweetPotato