Ming's POV"Iwan nyo muna kami ng asawa ko." utos ko sa lahat ng mga tagapaglingkod na andito ngayon sa loob ng kwarto ni Wayo.
Mukhang nagdalawang-isip yung mga tagapaglingkod dahil nasa gitna sila nang pagpapalit ng damit ni Wayo noong pumasok ako dito.
"Narinig nyo ang kamahalan, sumunod na kayo saking lahat." utos ni Pring.
Naglakad na sila palabas ng kwarto hanggang sa kami na lang ni Wayo ang matira.
Lumapit ako sa asawa ko para ituloy yung pag-aayos ng damit nya.
Nakayuko lang sya at hindi sumusubok na tumingin sa mga mata ko.
Gusto kong magsalita, andami kong gustong itanong para masagot yung mga gumugulo sa isip pero 'di ako makakibo.
Hindi ko kasi alam kung paano ko uumpisahan ang lahat.
Sa tagal kong 'di na sya nakita ay pakiramdam ko nagkaroon ng pader sa pagitan namin.
Natatakot ako na baka pag may naitaong akong 'di nya gusto ay magalit sya sakin at iwan nanaman ako.
Nun matapos kong ayusin ang damit nya ay magsasalita na sana ako pero mas lalo akong natameme sa mga sumunod nyang ginawa, niyakap nya ako nang sobrang higpit at bumulong ng 'sorry'.
Ganun-ganon lang ay mabilis na nag-ulap ang paningin ko.
Bakit ba ang bilis-bilis ko nang maluha?
Pero this time, sigurado akong hindi na luha 'to dahil malungkot at nahihirapan ako.
Naluluha ako ngayon dahil sa sobrang saya ko at nakabalik na si Wayo dito sa palasyo.
Dininig na ng Bathalang Sol ang mga panalangin ko.
"Wag mo na ulit ako iiwan mag-isa mahal ko. Ikamamatay ko na kung mawawala ka ulit sa tabi ko."
This time inakap ko na rin sya ng mahigpit tsaka ko hinalikan yung buhok nya.
Akala ko talaga hindi ko na ulit mararamdaman ang mga yakap ni Wayo.
"Hindi na mauulit, pangako. Patawarin mo ako kamahalan."
This time tumingin na si Wayo sa mga mata ko.
Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko. Walang duda, sobra kong na-miss ang magandang mukha ng asawa ko.
"Wag mo nang alalahanin, naiintindihan ko ang lahat mahal ko. Ang mahalaga ay ligtas kang nakabalik dito sa palasyo. Akala ko nadamay ka na sa pagbagsak ng ibang realm."
Nanlungkot yun mukha ni Wayo nun nabanggit ko yung nangyari sa mga realm.
"Ano bang nangyayari sa Callisto? Noong nabalitaan ko ang nangyari sa Earth Realm ay nagbalak na akong umuwi pero pinigilan ako ng hari ng Fire Realm na umuwi dahil delikado. Pero noong bumagsak ang Electric Realm ay hindi na ako nagpapigil, natatakot akong baka ikaw na ang sumunod mahal ko. Kung pati ikaw ay mawawala baka tuluyan na akong mabaliw."
"Sa Fire Realm ka naglagi? Alam ba 'to ni Forth? Nagpadala ako ng royal guards sa Fire Realm na pinamunuan ni Forth para hanapin ka pero ang sabi nila sakin ay 'di ka nila nakita."
Umiling si Wayo bago sumagot.
"Alam kong ipapahanap mo ko kaya humingi ako ng pabor sa Hari ng mga Pyros. Itinago nya ako kaya 'di ako nakita nila Forth."
Napabuntong hininga na lang ako.
"Anong ginawa mo sa Fire Realm mahal ko?"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko na usisain ang pagkawala ni Wayo.
BINABASA MO ANG
The Dark Moon
FanfictionHighest Rank #37 [Tagalog] Fantasy-themed Fanfiction of 2 Moons Novel. All characters are based and owned by Chiffon_Cake. No copyright infringement intended. Coauthor: @SpicySweetPotato