QM's Note: Guys comment and vote ha wag kakalimutan para tuloy tuloy ang update. 😘😘 Kahit isang comment lang mula sa inyong readers bawing bawi na ang pagod ko. Haha!
Warning: Mature chapter and vulgar words ahead.
Wayo's POV
Mukha ni Prince Ming ang una kong nakita pag mulat ko ng mata.
Nakatagilid sya ng higa at nakaakap nang mahigpit sakin.
So hindi pala panaginip yun mga nangyari kahapon.
Mabilis na nag-init yun pisngi ko nun naalala ko yun mga ginawa namin.
Lalo na yung paghalik ko sa kanya bago matulog.
Shiya!!
Ano bang pumasok sa isip ko at ginawa ko yun?
Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko.
Contradicting yung mga iniisip ko sa mga ginagawa ko.
Bipolar na yata ako?
Sigh.
Prince Ming ano bang ginagawa mo sakin?
Para na kasi akong mababaliw.
Sabi ng utak ko, galit ako sayo at 'di na ako dapat magpadala sa mga sinasabi at actions mo.
Pero yung puso at katawan ko traydor. They act as if I'm madly inlove with Prince Ming.
Ang hirap.
Feeling ko sooner or later makakagawa ako ng bagay na pagsisisihan ko.
"Wayo...."
Napatigil ako sa pagmumuni-muni nun nagsalita si Prince Ming.
"Hmmmm?"
"Anong oras na? Anong i-uutos mo sakin ngayong araw?"
Napangiti ako dahil sa sinabi nya.
Kakagising lang nya pero yun agad ang iniisip nya?
"Wala. Wala akong i-uutos. Nilalagnat ka kaya kagabi. Magpahinga ka na lang ngayon."
Speaking of, hinawakan ko yung noo nya to check his temperature.
Hindi na sya mainit.
"Okay na ako Wayo. Gumaling na ako dahil hinalikan mo ko kagabi."
Shiya!!!
Kailangan talagang ipaalala?!
"Ewan ko sayo. Dyan ka na nga."
Babangon na sana ako pero hinigpitan nya yung yakap nya sakin.
"Wayo..." ang lambing ng boses ni Prince Ming.
"Hmmm?"
Hinawakan ni Prince Ming yun kamay ko at nilagay sa dibdib nya.
"Alam ko namang mahirap nang paniwalaan yun mga sasabihin ko sayo pero maglalakas pa rin ako ng loob na sumubok. Lahat ng sasabihin ko sayo galing sa puso ko."
Hindi ako nakasagot. Para akong na-blanko dahil sa sincerity ng boses nya.
"Wayo sorry sa lahat ng maling nagawa ko sayo. Alam kong wala nang maiibalik yun sorry ko pero it doesn't mean na wala na akong magagawa. Gusto kong bumawi sayo Wayo. Gusto kong panagutan yun mga nagawa kong mali sayo. Gusto kitang alagaan. Gusto kong ibigay ang lahat sayo. Gusto kong iparamdam sayo na ikaw ang pinakaswerteng nilalang sa Callisto. Lahat yan gagawin ko para sayo dahil mahal kita."
BINABASA MO ANG
The Dark Moon
FanfictionHighest Rank #37 [Tagalog] Fantasy-themed Fanfiction of 2 Moons Novel. All characters are based and owned by Chiffon_Cake. No copyright infringement intended. Coauthor: @SpicySweetPotato