You?!

2.3K 200 138
                                    

QM's Note: Comment and vote please bago pa ko tamarin dito. (Me pagbabanta. Charot haha 😂) Thanks! Para tumaas pa rank bago matapos.

Ming's POV

"Paanong nangyari?! Paanong nawala si Wayo nang 'di nyo namamalayan?!" hindi ko maitago yung galit sa boses ko.

Napakarami nilang tauhan na nakabantay sa asawa ko pero ni isa sa kanila ay walang may alam kung paano sya nawala!

"Ming, kumalma ka. Walang may gusto sa mga nangyari. Kahit kaming mga elemental guardian na nandito lang sa labas ng kwarto ng asawa mo ay walang naramdaman na kakaiba." paliwanag ni Forth.

"Malamang na gumamit si Wayo nang kakaibang kapangyarihan kaya wala kaming naramdaman." Hininaan ni Beam yung boses nya para 'di marinig ng mga servant yun sinabi nya.

"Kakaiba ang aura ni Wayo kaninang umaga. Kung alam ko lang na may balak pala syang umalis ay nag-insist na akong bantayan sya sa loob." dagdag pa ni Kit.

"Nasabi rin sakin ni Pring na parang ibang nilalang raw si Wayo kagabi. Hindi kaya may kinalaman yang mga kakaibang kilos ni Wayo sa pagkawala nya?" dagdag din ni Phana.

~Napasapo na lang ako ng noo sa mga narinig ko.

Kasalanan ko talaga lahat 'to.

Masyado ako naging kampante sa lagay ng asawa ko dahil alam kong andito ang mga elemental guardians para alagaan sya.

Dahil don nakalimutan kong kakaiba nga pala syang nilalang at kahit kaming mga elemental guardians ay 'di mapaliwanag ang kapangyarihan nya.

"Kami na ang mangunguna sa paghahanap kay Wayo." suggestion ni Forth.

"Bigyan mo kami ng mga mapagkakatiwalaang royal guards. Isikreto muna natin ang pagkawala ng asawa mo. Sigurado naman kasing iipitin ka nanaman ng mga ministro pag nalaman nilang nawawala si Wayo." dagdag pa nya.

"Tama si Forth.  Atsaka mabuti nang kami ang manguna para mapabilis ang paghahanap dahil nararamdaman namin kung malapit si Wayo." -Beam

~Napatango na lang ako.

Tama nga sila sa mga sinabi na.

"Maraming salamat sa inyo. Hindi ko alam kung paano susuklian ang mga tulong nyo samin ng asawa ko."

"Wala yun. Para san pa at magkakaibigan tayong lahat?" -Kit

"Tama! Minsan may maganda rin naidudulot ang mga problema. Biruin nyo yun? Magkakasundo ba ulit tayong mga elemental guardians." sinubukan ni Pha na paga-anin ang mood.

Ngumiti na lang ako kahit napipilitan.

"Maraming salamat sa inyo. Makakabawi rin ako sa lahat ng tulong nyo sakin."

~•~•~•~•~•~•~•~

*days later

"Anak kaya mo po ba?" punong-puno nang pag-aalala yun boses ni ina.

Andito sya ngayon sa silid ko para kausapin ako.

"Kaya ko pa po ina." pagsisinungaling ko.

Ang hirap pala magpanggap na okay ka lang kahit para ka nang tinalikuran ng mundo.

Ang totoo kasi nyan ay gustong-gusto ko nang sumuko sa mga nangyayari sa buhay ko.

Hindi ko na kaya. Pagod na pagod na ang puso't isip ko sa mga nangyayari.

Namatayan ako ng ama at anak. Ngayon naman ay 'di na mahanap ang asawa kong nawawala.

The Dark MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon