Beam's POV~Water Realm~
Pauwi na ako sa bahay nang bigla akong napatigil sa paglalakad.
"Anong kailangan nyo?"
Sobrang bilis nang tibok ng puso ko ngayon dahil sa mga royal guards ng Air Realm na nakatayo sa harap ng bahay ko.
Alam na ba nilang tinatago ko ang Empress nila?
"Magandang tanghali po EG Beam. Pinapunta po kami ng Emperor dito para kausapin kayo." paliwanag sakin ng pinuno ng kanilang pulutóng.
"T-tungkol saan?" nautal pa ako dahil sa kaba.
"Pinaparating po sa inyo ng Emperor na nakakuha sila ng balita tungkol sa hinaharap. Nanganganib daw po kayong mga elemental guardians kaya napagdesisyon nilang magsama-sama kayong lima sa Air Realm upang maiwasan ang mga sakunang maaring maganap. Kung kayo po ay papayag, kami po ang magdadala sa inyo sa Air Realm nang ligtas."
Napa-iling ako dahil sa mga narinig ko.
Hindi ko alam kung makakahinga ba ako ng maluwag dahil hindi naman pala si Wayo ang sadya nila dito o mas lalo akong dapat kabahan dahil nanganganib ang buhay ko at ang buhay ng mga Hydros na nakasalalay sakin.
Pero ano nga bang dapat kong gawin? Sasama ba ako sa kanila o hindi?
Mas lamang na desisyon ko ay 'hindi' dahil 'di ko pwedeng iwan mag-isa si Wayo dito sa Water Realm.
Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa kanyang masama dito kapag ako'y napahamak sa Air Realm.
Kung isasama ko naman sya pabalik ng Air Realm ay tiyak na tuluyan na syang mawawalan nang tiwala sakin dahil nangako akong itatago ko sya.
Ang hirap!
Hindi ako pwedeng magdesisyon ng pansarili ko lang dahil inako ko na ang responsibilidad kay Wayo.
Cargo ko na sya ngayon.
"Nakapagdesisyon na po ba kayo EG Beam?" tanong sakin ng pinuno.
Tumango ako bago nagsalita.
"Hindi ako sasama." yan ang desisyon ko.
"Sabihin mo na lang kay EG Ming na aalagaan ko ang sarili ko dito at kung may mangyari mang masama ay sana kupkupin nya ang mga Hydros sa inyong realm." habilin ko pa.
Napag-isip isip ko kasing walang pinagkaiba kung dito o sa Air Realm ako maninirahan.
Wala naman kasing makakabago nang mga nakita nilang mangyayari sa hinaharap.
Kung ano ang itinakda ng Bathala ay yun din talaga ang magaganap.
Isa pa ay wala akong mukhang ihaharap kay Ming ngayon.
Nakikipagmabutihan ako sa asawa nya kahit alam kong may pinagdadaanan ito.
Sa madaling salita ay sinasamantala ko ang kahinaan ni Wayo dahil makasarili akong nilalang.
Wala akong pinagkaiba sa mga halimaw ng Callisto na bantay salakay.
Napakasama kong nilalang.
Kung may mangyayaring masama sakin ay tatanggapin ko nang buong buo dahil nararapat lang na maparusahan ako.
"Kung iyan po ang inyong desisyon ay wala na kaming magagawa. Makakaasa po kayong ipaparating namin sa Emperor ang pinapasabi nyo."
"Salamat."
"Aalis na po kami EG Beam. Kami po ay pupunta na ngayon sa palasyo ng Water Realm upang kausapin ang mahal na reyna."
Tumango na lang ako sa kanila bago nagsalita, "Sige, mag-iingat kayo."
BINABASA MO ANG
The Dark Moon
FanfictionHighest Rank #37 [Tagalog] Fantasy-themed Fanfiction of 2 Moons Novel. All characters are based and owned by Chiffon_Cake. No copyright infringement intended. Coauthor: @SpicySweetPotato