Erroneous Assumption

3.4K 223 177
                                    


Wayo's POV

Mula noong araw na binisita ako ng Crown Prince sa bahay namin, tinanggap ko nang hindi magiging madali para sakin ang lahat.

Come to think of it, wala namang bagay na naging madali sakin... so why bother?

18 years na nga akong namuhay na abnormal.

Natuto na akong mag-adjust at magpakumbaba sa mga nilalang na mas malakas sakin.

Kailangan ko lang maging submissive sa Crown Prince para hindi ako magkaroon ng problema.

Halata namang spoiled brat sya at walang magawa sa buhay eh. Ako na ang maga-adjust.

Ibigay na lang ang hilig at hintaying magsawa.

Pero mukhang sawa na nga syang pagtripan at takutin ako eh.

Sa tingin ko kasi nakalimutan at lumipas na yung galit nya sakin dahil ilang linggo na syang hindi nagparamdam sakin.

Bukas ko pa malalaman kung naaalala pa ba nya ako o hindi kapag nag-travel na kami papunta ng Electric Realm.

Sasabay kasi kaming mga scholar sa expedition ng Crown Prince papuntang Metropolis University.

Pasukan na kasi next week.

Excited at kabado na ako.

First time ko kasing lalabas ng Air Realm. I wonder kung ano kayang itsura ng Callisto sa labas ng realm? Ano kayang itsura ng Electric Realm sa personal?

Finally kasi mae-experience ko na yun mga bagay na sa libro ko lang nakikita at nababasa noon.

Hindi na ako makapaghintay.

"Wayo ano na? Hindi ka ba pipili ng tela mo? Kanina ka pa nakatanga jan." si Pring.

Andito kami sa bilihan ng mga tela.

Kanina pa ako nakaupo dito sa couch habang namimili sya ng tela na gagamitin sa uniform nya.

Mukha na nga akong boyfriend nya na hinihintay syang matapos mag-shopping.

"Hindi ko na kailangan mamili Pring dahil alam mo namang yung pinakamurang tela ang kukunin ko."

Tumabi sya sakin sa couch bitbit yun mga napili nyang tela.

"Pumili ka na ng tela mo. Ako nang bahala magbayad. Binigyan ako nila Pa ng extrang ginto para bilhin ang mga gusto ko."

Hinawakan ko yung noo ni Pring.

Hindi naman sya nilalagnat.

"Pring wala ka namang lagnat. Anong nakain mo para manlibre? Gusto mo ba dalin na kita sa doctor?" biro ko sa kanya.

"Grabe ka sakin Wayo. Hindi ba pwedeng ayaw ko lang magsuot nang manipis na tela ang bestfriend ko?"

Awww. Na-touch naman ako sa sinabi nya.

"Atsaka investment 'to. Para kapag Empress ka na ng Air Realm hindi mo ako makakalimutan." dagdag pa nya.

Agad ko syang binatukan at napa-iling na lang ako.

"Ang sakit ng batok mo ha. Totoo naman ah? Ikaw ang future Empress ng Air Realm at ako naman ang bestfriend ng Empress."

Tinakpan ko yung bibig nya dahil napapatingin yun ibang mga Aeros na namimili.

"Wala ngang kami ng Crown Prince. Ang kulit mo Pring. Napadaan lang sya noong nakaraan sa bahay."

Umiling si Pring at mukhang hindi naniniwala sa sinabi ko.

The Dark MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon