Instagram: ooostrongph / mewartphilippines
QM's Note: i-google nyo na lang yun mga term na 'di nyo magets. Haha.
Wayo's POV
"Wayo may LQ ba kayo ng Crown Prince?" bulong sakin ni Pring.
Nakaupo kami ngayon dito sa canteen habang hinihintay dumating yung lunch namin.
"Pano mo naman nasabi yan Pring?"
"Tignan mo kasi sya. Anlaki ng mga eyebags tapos palaging mukhang iritable. Dalawang linggo ko na syang napapansin na ganyan."
Nginuso pa ni Pring sila Prince Ming doon sa table na palagi nilang inuupuan ng mga kaibigan nya.
"Palagi namang mukhang iritable yan Pring, tsaka walang LQ dahil 'di naman kami."
Napa-iling si Pring sa sagot ko.
"Ewan ko sayo Wayo! Masyado ka echusera sumagot."
Ngumiti na lang ako dito sa bestfriend ko.
Kung pwede ko lang talaga sagutin yun tanong nya eh.
Alam ko naman kasi yung dahilan kung bakit nagkakaganyan si Prince Ming ngayon.
Nasabi sakin ni P'Mac nun nakaraan na hindi raw nakakatulog nang maayos si Prince Ming dahil hindi ko na sya tinatabihan.
May feeling na nag-alala ako para sa Crown Prince nun nalaman ko yun pero mabilis ko ring binura sa sistema ko yung feeling na yun.
Hindi ako dapat maawa sa kanya dahil deserve nya naman yun.
Kulang pa ngang kabayaran yun sa lahat ng mga ginawa nya sakin.
Atsaka mabuti nga yun at pinandigan nya yung mga sinabi nya sakin na bibigyan nya ako ng kalayaan at hindi pipilitin sa mga gusto nya.
Atleast he's a man of his words kahit ugaling hayop sya.
"Pring wash room lang ako saglit." paalam ko dito sa bestfriend ko.
Literal na naduduwal ako pag naiisip kong may "mabuti" pa palang natitira sa ugali ng hayop na yun.
"Okay." walang ganang sagot ni Pring.
Naglakad na ako papunta sa wash room.
Dumiretso ako sa lavatory at naghilamos ng mukha.
I need to freshen up a bit.
Bigla akong may naramdaman na kakaibang aura dito sa wash room.
Napatayo ako mula sa pagkakayuko ko sa lavatory.
"Prince Ming alam kong andyan ka."
Sigurado akong sya 'to.
Mula noong may nangyari samin weeks ago, pakiramdam ko nagkaroon kami ng kakaibang connection.
Kaya ko nang maramdaman yun aura nya kahit gaano sya kalayo sakin.
Nakita kong lumitaw si Prince Ming sa likod ko sa reflection ng salamin.
Bigla nya akong inakap ng mahigpit mula sa likod.
"Miss na miss na kita." sobrang lungkot ng boses nya.
Ito yun unang pagkakataon na lumapit ulit sya sakin mula noong may nangyari samin.
Ilang linggo na rin kasi kaming hindi nagpapansinan kahit nagkikita naman kami sa loob ng classroom.
Anong dapat kong gawin?
Dapat akong pumalag sa yakap nya 'di ba?
Pero bakit 'di ko magawa?
BINABASA MO ANG
The Dark Moon
أدب الهواةHighest Rank #37 [Tagalog] Fantasy-themed Fanfiction of 2 Moons Novel. All characters are based and owned by Chiffon_Cake. No copyright infringement intended. Coauthor: @SpicySweetPotato