Instagram: ooostrongph / mewartphilippines
Wayo's POV
"Ang ga-gwapo ng mga EG!" bulong sigaw ni Pring sakin habang kumakain kami dito sa canteen.
Napatingin ako sa direksyon na tinitignan ni Pring.
Table nila Prince Ming.
Kasama nya si EG Beam at si Kit. EG rin yung Kit?
"Elemental guardian din ba yung Kit?" tanong ko kay Pring.
Tumango sya.
"Hindi ka ba nakikinig kanina? 2nd highest sya sa sectioning exam. Elemental guardian sya ng Electric Realm."
Umiling ako. Hindi ko na narinig yun mga sinabi ng professor kanina dahil nawala ako sa sarili ko.
Ang sama kasi ng tingin ni Prince Ming sakin. Feeling ko malapit nanaman nya akong maltratuhin.
"OMG OMG! Nakatingin silang lahat sayo Wayo!" kilig na kilig si Pring.
Dahan-dahan akong sumilip ulit sa direksyon nila.
Shiya!
Sana pala 'di ko na lang ginawa dahil nakatingin sila sa direksyon ko!
Pinaguusapan ba nila ako?
Sigh.
Ito na ba yung pagbabanta nun Kit sakin kanina?
Bakit ba kasi lagi akong nai-involve sa mga elemental guardian?
Una kay Prince Ming, then Beam tapos ngayon kay Kit naman?
Ano bang ginawa kong mali sa past life ko para bigyan ako nang ganitong fate ni Bathalang Sol?
Lahat nang pinakamalakas na nilalang sa Callisto gusto akong saktan.
Wait. Hindi pala kasali si EG Beam sa gusto manakit sakin. Sya lang ang mabait sakin.
I wonder kung makikilala ko rin yung EG ng Fire at Earth realm? Hindi malayo. Andito rin sila sa university eh.
If ever na makikilala ko sila, I hope na mababait sila. Qouta na ako sa violence kay Prince Ming at Kit pa lang.
"Pring nakatingin pa ba sila?"
Hindi sumagot Si Pring. Mukha syang constipated na planggana ngayon. Kinikilig ba sya?
May naramdaman akong lumapit sa likod ko.
"Wayo..."
Kilala ko yung boses. Si Beam.
Umupo sya sa bakanteng upuan sa tabi ko at may binabang cake sa harap ko.
Napatingin ako sa kanya dahil don.
Halos mabulag ako sa nakakasilaw nyang ngiti.
Napangiti na rin tuloy ako. Nakakahawa kasi talaga yun mga ngiti nya.
"Salamat. Para san 'to?"
"Gusto lang kita i-congratulate, master. Iba ka talaga, 'di nakapalag yung talino ni Kit sayo."
"Ano ka ba, tyamba lang yun."
Natawa sya sa sinabi ko.
"Hindi lang pala maganda at matalino ang master ko, humble pa." biro ni Beam.
Alam ko namang biro lang pero bakit feeling ko nangangamatis na yung pisngi ko ngayon?
Wayo, kelan ka pa naging patola?
![](https://img.wattpad.com/cover/132191401-288-k719401.jpg)
BINABASA MO ANG
The Dark Moon
FanficHighest Rank #37 [Tagalog] Fantasy-themed Fanfiction of 2 Moons Novel. All characters are based and owned by Chiffon_Cake. No copyright infringement intended. Coauthor: @SpicySweetPotato