QM's Note: Comment and vote. Wag kayong tamarin please. Hahaha. Kasi pag konti ang comments at votes ay sunday na ang next update.
Ming's POV
~Air Realm~
"Kamahalan!" humahangos ang tagapayo ko nang pumasok dito sa throne room.
Kahit si Pring ay napatigil sa paghahain ng umagahan ko dahil mukhang mahalaga ang balitang dala ng tagapayo ko.
"Ano yun? Bakit ka humahangos?" tanong ko.
"Kamahalan! Ang Water Realm ay bumagsak na po kagabi!"
Natulala ako sa mga narinig ko.
"Paanong nangyari? 'Di ba't sinundo pa ng mga royal guards sila Beam kahapon?!"
"Dumating na po ang mga royal guards na pinadala nyo ngunit royal family at refugees ng Water Realm na po ang kasama nilang nakabalik."
"Si Beam? Anong balita kay Beam?"
"Hindi po nila kasama si elemental guardian Beam. Ang sabi ng pinuno ng hukbo ay tumangging sumama si EG Beam noong pinuntahan nila ito sa bahay nya nun tanghali. Hindi na raw po nila nabalikan si EG Beam nun kinagabihan dahil sa dami ng Bakunawa at Bwarka na umatake sa Water Realm."
Beam ano bang iniisip mo at 'di ka sumama sa mga royal guards na pinadala ko para sayo?!
"Kamusta ang Reyna ng Water Realm? Marami bang refugees? Bigyan nyo agad sila ng lupain matutuluyan."
"Maayos po ang lagay ng Reyna pero wala pa po sa isang daan ang mga refugees ng Water Realm. Kalunos-lunos po ang inabot ng mga Hydros dahil ang lupain nila ay napapaligiran ng tubig, una pong sinira ng mga Bakunawa ang karamihan sa mga sasakyang pandagat nila kaya't napakakonti lang po nang nakaligtas."
Kahit hindi ko sakop ang mga nilalang ng Hydros ay napakasakit pa rin marinig na ganon ang sinapit nila.
Idagdag mo pa yung posibilidad na maaring kasama si Beam sa nga Hydros na namatay.
Si Beam pa naman ang pinaka-bestfriend ko sa mga elemental guardians.
"Saan nyo pinatuloy ang Reyna ng mga Hydros? Kakausapin ko sya."
"Nasa isang silid po sya dito sa palasyo."
"Sige, samahan mo ako sa silid na tinutuluyan nya."
Mabilis ako tumayo at naglakad pero napansin kong hindi gumagalaw ang tagapayo ko.
"May problema ba?" tanong ko sa kanya.
"Kamahalan may isa pa pong bagay kayong dapat malaman."
"Ano yun?"
"Tinakas po ni elemental guardian Forth ang mahal na Empress. "
Napakuyom ako ng kamao dahil sa mga sinabi nya.
Mabilis akong nag-anyong hangin at dumiretso sa kwarto ni Wayo.
Andito lang sa labas ng kwarto nya ang mga tagapaglingkod at royal guards na tinalaga ko para bantayan sya.
"Paano kayo natakasan ni Wayo?!" sigaw ko sa kanila.
Mukha silang nagulat at nagtaka dahil sa mga sinabi ko.
"Kamahalan, hindi po kami natakasan ng Empress. Ang katotohanan nyan ay kumakain sya ngayon sa loob ng silid nya."
Paanong nangyari yun?
Dali-dali akong pumasok sa loob ng kwarto.
Andito nga si Wayo!
![](https://img.wattpad.com/cover/132191401-288-k719401.jpg)
BINABASA MO ANG
The Dark Moon
FanfikceHighest Rank #37 [Tagalog] Fantasy-themed Fanfiction of 2 Moons Novel. All characters are based and owned by Chiffon_Cake. No copyright infringement intended. Coauthor: @SpicySweetPotato