QM's Note: Guys 1st time ko magsulat ng ganito kaya pagpasensyahan nyo na lang. Cheap BDSM it is. Haha. As usual I need your votes and comment para ganado ako magsulat.
Warning: Mature content ahead.
Wayo's POV
Kaya ko nga bang maging Empress ng realm na 'to?
Yung mga pagsubok na dadanasin ko medyo kaya ko pang pusuan eh. Pero yung mga threat sa magiging anak ko parang 'di ko ata kakayanin.
Naiisip ko palang, para na akong mababaliw.
Para tuloy akong lutang habang naglalakad kami ni Prince Ming dito sa pasilyo ng palasyo.
"Mukhang ang lalim nang iniisip mo ah. Sigurado ka ba talaga na walang ginawa sayo si ina?" nag-aalala yung tono ng boses ni Prince Ming.
Napatigil kami sa paglalakad.
Pang-ilang beses na nya akong tinanong nang tungkol dyan mula noong lumabas ako sa silid ng Empress.
"Wala... mabait ang Empress sakin." ngumiti ako ng tipid sa kanya.
Totoo naman eh. Hindi naging ganon ka-mean ang kamahalan sakin.
Sinabi lang nya yun magiging buhay ko dito sa loob ng palasyo.
"Hmmm. Tinakot ka ba ni ina? Sinabi nyang wag kang magsusumbong sakin no?"
"Hindi kamahalan. Walang ganyan."
Narinig kong napabuntong hininga si Prince Ming.
"Okay. Naniniwala na ako sayo. Pero kung ano man yang bumabahala sayo, lagi mong tatandaan na hindi yan mangyayari hanggang nasa tabi mo ako."
Hinawakan nya nang mahigpit yung kanang kamay ko.
Kahit papano nakaramdam ako ng comfort at assurance.
Nagpatuloy na kami sa paglalakad.
"Magandang tanghali po mahal na Prinsipe." bati ng mga babaeng nasalubong namin.
Tumango lang si Prince Ming sa kanila.
Kung hindi ako nagkakamali mga babaylan sila dito sa palasyo.
Lalagpasan na sana namin sila nun bigla akong nilapitan ng matandang babae sa gitna.
Parang hindi sya makapaniwala nun nakita nya yung mukha ko.
"May tatlong buhay na nakasalalay sa mga kamay mo. Ang kamatayan ng isa ay magbibigay daan upang mabuhay ang dalawa."
Binalot ako ng takot dahil sa sinabi nya.
Ilang beses ko bang maririnig ang salitang kamatayan sa araw na 'to?
Biglang lumapit yun mga kasamahan ng matandang babae sa kanya.
"Ipagpatawad nyo po ang mga nasabi ng Punong Babaylan. Sya po ay may sakit at hindi alam ang mga sinasabi." sabi sakin nun isang babae.
Tumango na lang ako. Hindi pa ako nakakarecover sa mga sinabi nya.
"Ipagamot nyo na ang ating punong babaylan." utos ni Prince Ming.
"Masusunod po kamahalan..." sagot nun babae.
Naglakad na sila paalis at ganon din kami.
"Wag mong isipin yung mga narinig mo. Kakagaling lang ng mga babaylan sa pag-aayuno, kaya marahil ay nagkasakit ang punong babaylan."
"Okay."
Kahit sinabi nyang wag ko nang isipin, sigurado akong 'di na mawawala sa isip ko yun.
![](https://img.wattpad.com/cover/132191401-288-k719401.jpg)
BINABASA MO ANG
The Dark Moon
FanfictionHighest Rank #37 [Tagalog] Fantasy-themed Fanfiction of 2 Moons Novel. All characters are based and owned by Chiffon_Cake. No copyright infringement intended. Coauthor: @SpicySweetPotato