Abnormally Unique

4.7K 242 175
                                    

Ig: tongoreoph / josswayarph / mewartphilippines

Settings: 2017 Modern Era of Callisto (Same technology sa Earth except gadgets, social media, medical apparatus, war technology and transportation)

Wayo's POV

"Arghh!" frustrated grunt ko.

Kanina pa ako nagprapractice para sa competition bukas pero 'til now wala pa ring improvement ang air manipulation ko.

Kailangan kong gumawa ng malakas na hangin pero sing-hina lang ng utot ang nagagawa ko.

Nakakainis.

"Pano Wayo? Mauuna ako ha? kita na lang tayo sa competition bukas." paalam ng kababata ko na si Pring.

"Sige salamat sa pag-sama ha? Naabala pa kita sa kapalpakan ko."

"Nako okay lang yun Yo. Umuwe ka na rin dahil gabi na. Mamaya abutan ka pa ng mga aswang dito."

"Sige sige susunod na rin ako. Magsasanay pa ako nang konti. Ingat sa pag-uwe."

"Sige. Ikaw rin! Bye Yo!"

Nag-anyong hangin na si Pring at mabilis nawala.

Naiwan na akong mag-isa rito sa bakanteng lote.

Sigh.

Paano na kaya ako bukas? Wala na ata talagang pag-asa na manalo ako sa competition at maging scholar sa Metropolis University.

Habang buhay na lang kaming magiging worker nila Ma at Pa. (Kapag nakapag-aral sa university, siguradong magiging official ka sa realm mo.)

Bakit ba kasi mastery ng air manipulation ang kailangan ipakita bukas? (Malamang competition ng mga Aeros ang sasalihan mo -konsyensya)

Oo nga naman.

Sigh ulit.

Bakit ba kasi naging abnormal ako? (yan ang bagay na tanong.)

Aeros ako pero hindi ko kaya mag manipula ng hangin. Kaya ko man, sobrang hina naman.

Ang mga anak ng Aeros na hindi marunong mag air manipulation kadalasan electric manipulation ang kaya nilang gawin.

(Mga Aeros at Pyros ang ancestors ng mga Voltros.)

Sa kaso ko, hindi ako marunong ng pareho.

Hindi ko tuloy alam kung anong dapat itawag sakin o kung saan realm ako nababagay.

Nilaro ko sa hangin yun kanan kong kamay.

Agad na lumabas ang mga frozen fractals at dahan dahan nalaglag sa lupa.

Ito ang kapangyarihan ko.

Ice manipulation.

Kaya kong manipulahin ang pinakawalang kwenta na elemento sa Callisto.

Minsan iniisip ko kung may Ice Realm din kaya? Kaso nabasa ko na lahat ata ng history books ng Callisto pero walang nababanggit na Ice realm o mga taong kaya magmanipula ng yelo.

Nag-iisa lang talaga akong abnormal.

Unique na abnormal.

Argh! I hate myself!

Gumawa ako ng mga icicle na matutulis at sabay sabay pinalipad para itusok sa puno.

Ganito ang ginagawa ko para i-release ang frustrations ko.

...

Tumingin ako sa bagong relo ko (fresh from Electric Realm, regalo ni Pa sakin) quarter to 9pm na pala.

The Dark MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon