Inevitable Intimacy

3.7K 203 267
                                    


Wayo's POV

Bukas na yung 1st monthly exam namin kaya andito kami ngayon ni Pring sa library at nagrereview.

Actually hindi ko naman na kailangan magreview para sa theoretical exam pero kinakabahan ako para sa practical exam.

Alam nyo namang pacham lang ang kapangyarihan ko. Pachamba-chamba at hindi reliable.

"Ano kayang ipapagawa sa practical exam natin Pring?"

Nag-shrug lang si Pring bago sumagot,  "No idea. Baka pumatay ng Bwarka?"

Napa-iling na lang ako.

Puro kagagahan talaga 'to eh. Well, posibleng test naman yung pagpatay ng Bwarka pero hindi pa naman kami natuturuan humawak ng espada at iba pang armas.

Isang buwan pa lang kami dito sa university at nabasa ko sa curriculum na 4th month pa ituturo yun paghawak ng mga armas.

"Mag-review ka na nga lang dyan. Kalimutan mo nang nagtanong ako."

Tumayo ako para kumuha pa ng ibang libro.

Nabo-bored na akong basahin yun mga libro namin dahil nabasa at tapos ko na lahat noong unang linggo pa lang namin dito sa university.

Tumingin ako sa book shelves at naghanap nang ibang libro na related sa mga inaral namin the whole month.

'Ayun!' chant ko sa isip ko.

Pinilit kong abutin yung libro na nakalagay sa pinakamataas na part nitong book shelf.

Hindi ko maabot. Argh. 5'10 nako't lahat sa lagay na 'to pero wala pa rin.

Hindi naman ako makagamit ng kapangyarihan para abutin dahil no magic zone 'tong library.

Hindi ka makakagamit ng element manipulation kapag nasa loob ka ng library.

Sinagad ko yung pagtingkayad ko.

"Ahhhhh!" na-out of balance ako.

Hindi ko na tinangkang humawak pa sa book shelf dahil baka maibuwal ko lang.

Napapikit na lang ako at tinanggap yun kapalaran ko na matutumba at babagsak ako sa sahig.

Wait.

Hindi ako natumba.

Dumilat ako para tignan kung anong nangyayari.

Nakangiting nilalang yung bumungad sakin. Sinalo nya pala ako para hindi matumba.

"Mag-ingat ka sa susunod." tinulungan nya akong tumayo ng maayos.

Napatango na lang ako.

"Ano bang inaabot mo dito?"

Tinuro ko yung libro na inaabot ko kanina.

Walang effort nyang kinuha yung libro dahil matangkad sya.

Inabot nya sakin at nginitian ako.

"Salamat po." tipid na sagot ko.

Tumango sya bago nagsalita, "Ikaw si Wayo 'di ba?"

Medyo nagulat ako dahil alam nya ang pangalan ko.

Namumukhaan ko sya pero 'di ko sya kilala. Malamang na taga section 2 sya.

"Ako nga po. Sino ka nga po?" magalang na tanong ko.

"Ako si Phana. Terros ako. Finally nagkaroon din ako ng chance na kausapin ka."

The Dark MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon