Qm's Note: Comment and vote kung hindi naman abala sa inyo 😘
Wayo's POV
Pa-ibigin ang Crown Prince? Hindi ba imposible yung idea na yun?
Yun mga nilalang na katulad ni Prince Ming, hindi naman capable mag-mahal. Punong-puno sya ng sarili nya at gusto nya lang ang mahalaga.
"Hindi ko kaya Forth. Siguro alam mo naman yung ugali ni Prince Ming 'di ba? Hindi ko alam kung nage-exist sa vocabulary nya yun salitang love."
Natawa si Forth sa sinabi ko.
"Sobra ka naman kay Ming. Ngayon tuloy sobrang curious ko na kung anong ginawa nya sayo kung bakit ganyan ang tingin mo sa kanya."
Napayuko ako. Feeling ko mababasa ni Forth yung nasa isip ko kapag tumingin ako sa mata nya.
"Kilala ko si Ming at sigurado akong kaya mo syang paibigin sayo Wayo. Gamitin mo yung interes nya sayo para mahulog sya sa patibong mo."
"Sigurado ka ba dyan Forth?"
Tumango sya bago sumagot, "Oo naman. Kapag hawak mo na sya sa leeg, dun ako papasok. Ako nang gagawa ng ikakabagsak nya."
Binalot ako ng kaba at takot nun narinig ko yun salitang 'ikakabagsak'.
Kaya ko ba talaga 'tong gagawin namin against Prince Ming?
Ang hirap pala nang ganitong feeling.
Gusto ko syang bawian pero nakokonsyensya rin ako at the same time.
Pero kailangan din talaga matuto ng leksyon ni Prince Ming.
Hindi naman biro yun mga ginawa nya sakin. Pinagbantaan nya yung buhay ko, buhay ng pamilya ko at kinuha nya ang puri ko.
Tama. Kailangan nyang maparusahan.
"Anong ginawa sayo ni Prince Ming at gusto mo syang gantihan?"
Tanong ko kay Forth. Sigurado naman kasing may grudge din sya sa Crown Prince.
"Uhm masyadong personal ang dahilan Wayo. Hindi ko pa masasabi sayo ngayon. Pero one thing I'm certain is galit din ako kay Ming tulad mo."
"Okay. Naiintindihan ko."
Pareho lang kami na gustong panatilihing secret yun dahilan kung bakit galit kami kay Prince Ming.
"Pano naman ako makakasiguradong hindi mo lang ako gagamitin against him para makaganti ka?" dineretso ko si Forth.
Tama. Baka tulad nila Beam at Prince Ming gusto lang akong gamitin ni Forth sa pansarili nyang hangarin.
Hindi ako pwedeng magpakatanga at magpagamit nanaman sa isang Elemental Guardian.
"Una Wayo, 'di kita pipilitin na gawin 'to kung ayaw mo. Kaya nga tinatanong kita kung gaano mo kagustong gumanti kay Ming. Atsaka kaya kong gumanti sa kanya in my own way pero mas mapapadali nga talaga ang lahat kung may tulong mula sayo. Win win situation 'to para sa ating dalawa. Gagamitin kita at gagamitin mo ako, sabay nating papabagsakin yun nilalang na may ginawang masama satin."
"Okay..." tipid na sagot ko.
Mukhang nagsasabi naman sya ng totoo.
"Pag-isipan mo Wayo. Ikaw ang magdesisyon kung tutuloy tayo o hindi. Kung anong gusto mo, yun ang masusunod."
"Sige pag-iisipan ko."
Biglang inabot ni Forth yun kamay ko.
"Sayo na 'to."
BINABASA MO ANG
The Dark Moon
FanfictionHighest Rank #37 [Tagalog] Fantasy-themed Fanfiction of 2 Moons Novel. All characters are based and owned by Chiffon_Cake. No copyright infringement intended. Coauthor: @SpicySweetPotato