Wayo's POV"Wayo okay ka na ba?"
Si Pring ang una kong nakita pagmulat ko.
"Nasaan tayo?" tanong ko sa kanya.
Unfamiliar kasi 'tong lugar at ang pagkakatanda ko nasa stadium kami kanina.
"Andito tayo sa infirmary ng palasyo Wayo. Nawalan ka ng malay kanina."
"Uhhh." sinubukan kong umupo dito sa kama.
"Wag ka munang bumangon Wayo. Hindi ka pa natitignan ng doctor."
"Pero sa tingin ko okay na ako..."
Pakiramdam ko talaga nakarecover na ako.
"Wayo umamin ka nga. Uminom ka ba ng pinagbabawal na tubig?!"
Nanlaki yun mata ko sa sinabi ni Pring.
Hindi pa naman ako ganon kadesperado at nasa tamang pag-iisip pa ako.
Pinagbabawal yun sa buong Callisto at makukulong ka pag gumamit ka non.
Magiging triple ang lakas mo kapag uminom ka ng pinagbabawal na tubig pero masisiraan ka ng bait pagkatapos.
"Pring hinaan mo nga yang boses mo. Baka mamaya may makarinig at maniwalang uminom nga ako."
"Sorry naman. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala. So uminom ka nga?" pabulong na yun boses ni Pring.
"Mukha ba akong baliw ngayon Pring? Hindi ako uminom non."
Doubtful pa rin yung itsura ni Pring.
"Napakalakas ng kapangyarihan mo kanina Wayo, nadaig mo pa nga yun ginawa ng crown prince. Tapos kaninang natutulog ka, umiilaw yang kamay mo na parang nanggagamot na Hydros. Paano mo ipapaliwanag sakin yun mga yun?"
Napabuntong hininga na lang ako.
"Hindi ko rin alam Pring. Ang totoo nyan, pati ako naguguluhan sa mga nangyari sakin kanina. Ang naalala ko lang sinusubukan kong pigilan at kontrolin yung air manipulation ko pero ayaw sumunod sakin."
*tok tok tok
Biglang may kumatok at pumasok sa pinto.
Nagkatinginan kami at mukhang nagulat sya na makita ako.
"Magaling ka na?" nagtatakang tanong nya sakin.
Hindi ako nakasagot.
"Kayo po ba yung doctor?" tanong ni Pring don sa lalake.
Ngumiti yung lalake kay Pring.
"Hindi ako doctor pero Hydros ako. Nirequest ko kay Ming na ako ang gagamot sa kaibigan mo. Wag kayong mag-alala, mas magaling pa ko sa mga Hydros na doctor nyo dito sa Air Realm."
Hydros ba talaga sya o Aeros? Ang hangin eh.
Bakit naman kaya gusto akong gamutin nito?
Lumapit na sya sakin at tinapat yung kamay nya sa ulo ko.
Napapikit ako dahil nag-umpisa nang umilaw yung kamay nya.
"May gumamot na ba sa kanya?" tanong nun lalake kay Pring.
"Wala pa pong pumapasok na doctor dito." sagot ni Pring.
"I see. Sabi ko na eh."
"Bakit? Ano pong problema? Mamatay na po ba yung kaibigan ko? Kailan po ang libing?" tanong ulit ni Pring.
BINABASA MO ANG
The Dark Moon
FanfictionHighest Rank #37 [Tagalog] Fantasy-themed Fanfiction of 2 Moons Novel. All characters are based and owned by Chiffon_Cake. No copyright infringement intended. Coauthor: @SpicySweetPotato