Kiss Me

3.5K 184 183
                                    

Instagram: ooostrongph / mewartphilippines / josswayarph

Wayo's POV

Naka-upo kami ngayon dito sa gilid ng  gym.

In 20 minutes aalis na ang expedition ng university namin papunta sa venue ng practical exams.

I heard na malapit sa border ng Water Realm kami pupunta.

I somehow wish tuloy na si Beam ang naging partner ko. For sure kasi saulo nya lahat ng nilalang na nakapaligid sa Water Realm.

Sigh.

Bakit ba kasi puro taga section 2 ang partner ko? Tapos hindi pa sila native ng Water Realm.  Paano na ko?

Kailangan ko maging highest sa lintek na exam na 'to. Ayokong malagot sa crown prince kapag 'di ko na-meet yun expectation nya.

"Huy. Bakit 'di ka mangiti dyan? Hindi ka ba masaya? Sure nang pasado ka sa practical exams." nag-aalalang tono ni Pring.

Napansin ata nya na mukha akong problemado.

"Wala. Wag mo na akong pansinin. Ituloy mo na lang yan pagme-make up mo. Baka sakaling ma-inlove sayo yun halimaw." biro ko sa kanya.

Ayoko namang sabihin sa kanya na iniisip kong maging partner si Beam dahil for sure hindi sya titigil sa pang-aasar sakin.

"Ewan ko sayo." tinuloy na ni Pring yung pag-aayos ng kilay nya.

Bumalik na rin ako sa pag-iisip. How to ace this practical exam kung wala akong idea kung anong halimaw yun kakalabanin namin?

Ayoko talagang magalit sakin ang Crown Prince. Lalo na't ang bait-bait ng kinikilos nya lately.

May hindi tama.

Pakiramdam ko nag-hihintay lang sya ng tamang dahilan para maltratuhin ulit ako.

"Wayo sumunod ka sakin."

Napatingala ako sa lalaking dumaan sa harap ko.

Si Beam.

Naglakad sya papunta ng wash room.

Syempre sumunod agad ako. Kanina ko pa rin sya gusto makausap tungkol sa practical exam kaso kasama nya si Prince Ming at EG Kit. Nahihiya akong lumapit.

Pagpasok ko sa wash room, biglang may humila sakin galing sa likod ng pinto.

Inakap nya ako ng mahigpit mula sa likod.

Hindi na ako pumalag dahil sa aura pa lang nya, kilalang kilala ko na sya.

"Nag-aalala ako para sayo Wayo. Ayokong maulit yun nangyari sayo noong unang punta mo dito sa Electric Realm." punong-puno ng pag-aalala yun boses ni Beam.

"Hindi na mauulit yun. May escort naman tayong mga warriors unlike noong unang punta namin na kami-kami lang talaga." I assured him.

"Meron ngang warriors pero 'di nila tayo sasamahan sa mismong designated areas ng bawat grupo. Ayokong may mangyari sayong masama."

Napangiti ako. Seryoso ba sya?

Bumibilis yun tibok ng puso ko knowing na ganito sya mag-aalala para sakin.

Kumalas ako sa pagkakayakap nya at humarap sa kanya.

Tumingin ko sa mata nya bago nagsalita, "Ano ka ba. Walang mangyayari sakin. Atsaka dalawang EG ang ka-grupo ko, for sure 'di nila ako papabayaan."

"Isa pa nga yun sa pinag-aalala ko. Hindi kasundo ni Ming yun dalawa at alam nilang scholar ka ni Ming. Baka pagtulungan ka nila.".

Napa-iling ako.

The Dark MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon