Instagram: kimbas_ph / ooostrongph / josswayarph / mewartphilippines
QM's Note: Kung hindi naman po abala sa inyo, please do comment and vote to help our story na mas tumaas pa ang rank. #82 na po tayo 😗
PS: Extreme violence and explicit language ahead.
Wayo's POV
Mabilis kong tinulak si Beam palayo sakin dahil sa malamig na hanging bumalot sa katawan ko.
Hindi ako pwedeng magkamali.
Isang Aeros lang naman ang nagpaparamdam sakin ng ganito.
Ang Crown Prince.
"Wayo sorry. Hindi ko sinasadya. Hindi ko lang talaga napigilan yung sarili ko. Sorry sorry." punong-puno ng regret yun tono ni Beam.
Napa-iling ako.
Walang kasalanan si Beam dahil ginusto ko rin naman talaga yung halik.
Ako yun totoong may kasalanan.
Alam ko na ngang komplikado yun situation ko pero still nagpadala ako sa feelings ko para sa kanya.
Sigh.
"Beam pwede mo ba muna akong iwan? Wag kang mag-alala, hindi ako galit sayo."
Ngumiti ako ng tipid sa kanya.
"Okay. Kung yan ang gusto mo... Pero sorry talaga Wayo."
Tumango na lang ako sa kanya.
Naglakad na sya palabas ng kwarto.
Napasabunot ako sa sarili ko nun nakalabas na sya ng tuluyan dito sa kwarto.
Fuck! Ano ba kasing iniisip mo Wayo!
Akala ko ba na malinaw na sayo ang lahat na 'di mo papa-iralin ang puso mo.
Napakaselfish ko.
Hindi ko man lang inisip yun pwedeng mangyari sa pamilya ko kapag ginalit ko ang Crown Prince.
Ang tanga tanga ko.
Argh! Naiinis ako sa sarili ko.
Bigla akong nanigas nun narinig kong bumukas yung pinto nitong kwarto.
Binalot ng takot yun buong katawan ko.
Ni hindi ko nagawang tignan kung sino yun pumasok dahil iisang tao lang naman yung inaasahan kong papasok dito ngayon.
Ang Crown Prince.
"Bestfrienddddd kamusta ka na?! Nag-alala ako sayo!"
Agad akong napatingala.
Si Pring!
"Sorry kung ngayon lang ako nakadalaw. Bumalik kasi kaming lahat ng Electric Realm after ng exam. Bibisita raw kasi ang Emperor natin sa university. Magaling ka na ba?"
Napatango na lang ako sa dami ng kinuda ni Pring.
"Okay na ako." tipid na sagot ko.
"Buti naman. Ayoko talaga sanang iwan ka kasi naman hindi ka magamot ni EG Beam. Kinailangan ka pang dalin dito sa palasyo ng Water Realm para gamutin."
Seryoso? Ganon ba talaga kalala ang lason ng Salmacis to the point na hindi ako kayang gamutin ni Beam?
"Pero buti talaga at okay ka na. Highest pa kayo sa exam! Lintek na exam na yun, muntik kaming hindi pumasa. Lecheng Salmacis yun! Gagawa lang ng illusion, gagamitin pa yun mga mahal mo sa buhay!"
BINABASA MO ANG
The Dark Moon
FanfictionHighest Rank #37 [Tagalog] Fantasy-themed Fanfiction of 2 Moons Novel. All characters are based and owned by Chiffon_Cake. No copyright infringement intended. Coauthor: @SpicySweetPotato