Instagram: ooostrongph / mewartphilippines / josswayarph
Wayo's POV
Nagising ako nang nakaunan yung ulo ko sa braso ng Crown Prince.
Marahan akong bumangon para hindi madistorbo ang tulog nya. Sigurado kasing hindi kumportable para sa kanya 'tong pwesto namin.
Pagkabangon ko, nanigas yun buong katawan ko dahil sa unfamiliar feeling na naramdaman ko sa leeg ko.
Napahawak ako sa pendant nang suot kong kwintas ngayon.
Biglang nag-flashback yun mga nangyari kagabi. Ramdam na ramdam ko yung pag-rush ng dugo sa mukha ko dahil don.
Hindi panaginip yun mga nangyari.
Totoong ginalaw na ng Crown Prince ang katawan ko.
Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman ngayon.
Sigh.
Wala naman akong magagawa eh.
Napatingin ako sa mukha ni Prince Ming na tulog pa rin hanggang ngayon.
Mukha syang anghel.
Pwede bang ganyan na lang sya forever?
I like it better kasi kapag nakasara yung mga mata nya.
Ayaw ko kasi talaga yun mga mata nya. Foreboding at perturbation ang hatid ng mga titig nya sa sistema ko.
Pero kagabi, iba yung mga titig ni Prince Ming. The way he looked at me, para bang chine-cherish nya ako.
Never ko sya nakitang tumingin sakin nang ganon. Para talaga syang ibang tao.
Sobrang weird nya kagabi. Parang hindi talaga sya yung Prince Ming na kilala ko.
May tinatago pala syang kabaitan. Hindi ko ma-fathom na may side pala syang ganon. Prince Ming na sweet at gentle.
Siguro dahil lang talaga yun sa alak na nainom nya.
I'm pretty sure na kapag gising nya mamaya, back to normal na ang lahat.
Babalik na yung Prince Ming na kinakatakutan ko. Yung Prince Ming na cold at despotic.
Kaya bago pa sya magising, babalik na ako sa apartment ko.
Tsaka huhubarin ko na 'tong royal necklace nya. Hindi naman ako kabilang sa royal family para magsuot nito.
For sure dala lang din naman ng kalasingan kaya naisipan nyang ibigay sakin 'to.
Tama tama. Baka nga mamaya nakalimutan nya na yun tapos pagbintangan nya pa akong ninakaw ko 'to.
Umupo na ako sa edge ng kama at sinubukang hubarin mag-isa 'tong kwintas kahit 'di ko alam kung paano i-unlock yung lobster clasp lock.
"Anong ginagawa mo?"
Bigla akong napatigil sa ginagawa ko dahil sa malamig na boses ni Prince Ming.
Hindi ako nagkamali sa inisip ko kanina. Welcome back 'real' Prince Ming.
"Kamahalan huhubarin ko po sana 'tong kwintas nyo, hindi ko po kasi 'to deserve." sagot ko nang hindi humaharap sa kanya.
"Hindi mo ba nagustuhan?" parang disappointed yung tono ni Prince Ming.
Binaling ko yung tingin ko sa kanya bago sumagot, "Kamahalan nagustuhan ko po, pero sa tingin ko ay hindi po ako karapat-dapat magsuot ng ganito."
"Ako ang susunod na Emperor ng Air Realm at sa tingin ko ay bagay sayo yan. Hindi ko yan binigay sayo dahil wala lang, binigay ko yan sayo dahil tiwala ako sa kakayahan mo. Naiintindihan mo ba?"
![](https://img.wattpad.com/cover/132191401-288-k719401.jpg)
BINABASA MO ANG
The Dark Moon
FanfictionHighest Rank #37 [Tagalog] Fantasy-themed Fanfiction of 2 Moons Novel. All characters are based and owned by Chiffon_Cake. No copyright infringement intended. Coauthor: @SpicySweetPotato