Epilogue: The Royal Family

4.4K 237 148
                                    


QM's Note: Last chapter. Comment and vote!

*future

~electric realm~

Pree's POV

"Anong oras tayo aalis bukas?" tanong ng kaibigan kong si Rambo.

Uuwi kasi kami sa Air Realm bukas dahil sembreak namin dito sa Metropolis University.

"4AM daw ang alis ng expedition ng mga mangangalakal na sasabayan natin. Bawal ma-late kung ayaw mong maiwan." paalala ko naman sa kanya.

"Okay. Aagahan ko po ang gising kamahalan, para hindi ako mahuli." ngumisi si Rambo sakin pagkatapos nyang mag-salita.

Alam nya kasing ayaw ko na tinatawag akong kamahalan o mahal na Prinsipe.

"Isang tawag mo pa sakin ng kamahalan ay sasabihin ko na kay kuya Pent na crush mo sya."

Mabilis namula ang pisngi ni Rambo nun marinig nya ang pangalan ni Kuya Pent.

"Hindi ka naman mabiro Pree! Alangan naman kasing tawagan kita ng Pree lang kapag nasa Air Realm na tayo. Ayoko pang mamatay kapag narinig nila na hindi kita ginagalang!"

"Hahaha! 'Di ko na problema yan. Basta isusumbong kita kay kuya Pent kapag tinawag mo pa ako ng kamahalan."

Sumimangot ang mukha nya dahil sa mga sinabi ko.

"Ewan ko sayo. O sya uuwi na ko para maayos ko na ang mga gamit ko."

Tumayo na si Rambo mula sa sofang inuupuan nya dito sa apartment ko.

"Okay. Bukas ha, bawal ma-late."

"Sige sige, bukas na lang." naglakad na sya palabas ng pinto.

Napabuntong-hininga na lang ako nun makalabas na si Rambo.

Ayoko pa kasi talagang umuwi sa Air Realm.

Siguradong lagot nanaman kasi ako sa ama kong Emperor kapag nakita nya ang mga bagsak kong grado.

Tapos sasabihin nanaman nyang bat 'di ako gumaya sa paborito nyang anak na si kuya Arthit.

"Si Arthit matalino. Si Arthit masipag. Si Arthit kagalang-galang. Si Arthit ang bukod na pinagpala sa lalaking lahat."

Pwe!

Saulong-saulo ko na talaga ang mga linyahan ni ama.

Palagi nya kasing sinasabi sakin ang mga yan tuwing pinapangaralan nya ako.

Tanggap ko naman na perpekto talaga si kuya Arthit. Kaya nga wala kaming angal ni kuya Pent na sya ang hirangin bilang Crown Prince dahil bukod sya ang panganay ay sya rin talaga ang karapat-dapat sa pwesto na yun.

Ang naiinis lang talaga ako ay pinipilit ni ama na maging perpekto rin ako.

Hindi nya maintindihan na hindi ganon ang gusto kong buhay.

Gusto ko lang mamuhay bilang simpleng nilalang.

Malayo sa palasyo at nagagawa ang gusto.

-kinabukasan-

Bumaba ako para pagbuksan yung kumakatok sa pintuan.

"Himala at hindi ka late ngayon Ram...." natigilan ako sa pagsasalita dahil hindi si Rambo ang napagbuksan ko.

Mga royal guards ng Air Realm.

"Magandang umaga po kamahalan." bati sakin ng kapitan nila.

The Dark MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon