Double Trouble

3.4K 226 201
                                        


Wayo's POV

Dalawang araw na ang nakalipas simula noong araw ng competition, pero 'til now hindi ko pa rin makuhang magsaya kahit na-secure ko na yung spot ko bilang scholar.

Mas nagpapasalamat pa nga ako kay Bathalang Sol dahil hinayaan nya akong makauwi nang buhay noong gabi na yun.

Akala ko kasi katapusan ko na noong nahuli ako ni Prince Ming na nakikipagkaibigan kay elemental guardian Beam. Buti na lang at 'di nya na yun pinag-isipan nang masama.

Sigh.

Gustong-gusto ko na talaga mag-back out sa pagiging scholar. Hindi ko na alam kung kaya ko pa harapin o isipin man lang na makakasama ko ang Crown Prince.

Pakiramdam ko bawat galaw ko babantayan nya at kapag nagkamali ako, katapusan ko na.

Expected ko naman na masama ang ugali ng Prinsipe pero hindi ko akalain na sagad pala sa buto.

Hindi ko talaga maimagine na sabay kami mag-aaral at magtratrabaho ako para sa kanya in the future.

Naaalala ko pa lang yung matalim na mga titig nya, nanginginig na ang buong pagkatao ko.

Ano ba kasi 'tong pinasok ko?!

Abnormal na nga ako, mas naging komplikado pa ang buhay ko.

May mas mamalas pa ba sakin?

"Wayo may bisita ka!!" biglang sigaw ni Ma.

Napakamot ako ng ulo ko.

Gabing-gabi na ah?

Sino naman kayang bibisita sakin?

Ang sarap na nang higa ko sa kama eh. Kainis naman!

Bumangon na ako kahit labag sa puso ko. Malamang si Pring 'to. Ano nanaman kayang trip ng bruha?

Paglabas ko ng kwarto, agad akong nagbunganga kahit 'di ko pa nakikita yung bisita ko.

"Pring gabing-gabi na ah, bakit ka nanaman ba napasugod dito?!"

Walang sumagot.

Naglakad na lang ako hanggang makarating sa salas.

May kausap si Ma pero hindi si Pring.

Si elemental guardian Beam!

Agad ako tumakbo palapit sa kanya at hinawakan sya sa kamay para hilahin palabas.

Walang nagawa si Ma kahit nag-uusap pa sila ni Beam.

Sorry Ma pero pakiramdam ko may dalang kapahamakan ang tao na 'to sa bahay natin.

"Anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman yung bahay namin? Atsaka alam ba 'to ng Prinsipe?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya nun nakalayo kami sa bahay.

Naglalakad kami ngayon sa ilalim ng liwanag ng mga poste.

Titingin-tingin ako sa paligid  habang naglalakad dahil baka andito ang Crown Prince.

Oo. Paranoid na talaga ako.

Iniisip ko na pagaaksayahan nya nang oras at panahon ang hampaslupang tulad ko para hanapan ng mali at maltratuhin.

"Teka, isa-isang tanong lang Master Wayo." mukhang natatawa sya sa bilis ko magsalita.

Huminga ako ng malalim para kalmahin ang sarili ko.

"Anong ginagawa mo dito?"

Bago sya sumagot, hinubad nya yung suot nyang trench coat at pinatong sa balikat ko.

The Dark MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon