Ming's POV"Hijo, anong pangalan mo?" Tanong ng ama ko sa bagong scholar.
"Wayo po, kamahalan."
"Wayo, isa kang huwaran na Aeros. Karapat-dapat ka talagang maging scholar ng realm natin. Hanga ako sa determinasyon mong tumulong at bilis ng isip na gumawa ng solusyon."
Napangiwi ako sa sinabi ng ama ko.
Never nya ako pinuri ng ganyan. Kahit ako ang susunod na elemental guardian ng realm namin, pakiramdam ko nakukulangan sya sakin.
"Palakpakan natin ang bayani ngayong gabi!!" sigaw ni ama dito sa ball room.
Nagpalakpakan ang lahat at hindi mo maide-deny ang pagkagiliw nila sa hampaslupang ngalan ay Wayo.
"Ming, hindi ko na nagugustuhan ang bagong scholar na yan." bulong ni ina sa tenga ko.
"Una, usap-usapan na mas malakas daw sya sayo. Pangalawa, ginaya nya ang iyong kasuotan para magmukha syang Prinsipe tulad mo. At ngayon, nagpakitang gilas sya sa harap ng ama mo at mga official ng Aeros para ipamukha na mas magaling talaga sya sayo." dagdag pa nya.
Napakuyom ako ng kamao dahil sa mga sinabi ni ina.
Talagang sinusubukan ako ng hampalupa na 'to. Kanina pa ako naririndi sa matunog nyang pangalan.
Mula sa mga Aeros, kay Beam at ngayon naman ay kay ama.
Araw ko ngayon pero inaagaw nya lahat ng atensyon at papuri na dapat ay sakin.
Pinasiyaan na ni ama ang kainan para i-honor ang bayani nila ngayong gabi.
Nawalan na ako nang gana kumain.
Umalis na ako dito sa ball room.
Lagot ka sakin Wayo.
~••~••~••~••~••~••~
Wayo's POV
Agad akong napahawak sa pisngi ko na sinampal ni Prince Ming.
Iniisip ko kung anong nagawa kong mali para sampalin nya ako.
Dahil ba pareho kami ng damit? Pero hindi naman ako ang pumili nito.
"Ayoko sa lahat yun mga pabibo na tulad mo. Kanina pa ako nagtitimpi sayo."
Wala akong maintindihan sa sinasabi ng Prinsipe.
Anong sinasabi nya na pabibo ako?
"Gusto mo ba talagang palabasin na mas magaling ka sakin!?" sigaw nya sa mukha ko.
Hindi ko talaga alam kung ano 'tong sinasabi ng Prinsipe.
Wala naman akong hangarin na ganun.
Sinabunutan ako ni Prince Ming para mapatingin ako sa kanya dahil nakayuko ako ngayon.
"Ahhh..." pigil na sigaw ko.
Masakit yung pagsabunot nya sakin.
Napatulo na lang yung luha ko.
"Kapag tinatanong kita, sumagot ka!"
"Wala po akong balak na ganun mahal na Prinsipe." I said between my sobs.
Sinampal nya ulit ako gamit yun isang kamay nya.
"Hindi ka lang pabibo, sinungaling ka pa!"
Hinila nya yung buhok ko hanggang mapaupo ako sa sahig.
"Kaya siguro nagmamalaki ka dahil alam mong hindi lang ang Air Realm ang handang gawing scholar ka no?"
![](https://img.wattpad.com/cover/132191401-288-k719401.jpg)
BINABASA MO ANG
The Dark Moon
FanficHighest Rank #37 [Tagalog] Fantasy-themed Fanfiction of 2 Moons Novel. All characters are based and owned by Chiffon_Cake. No copyright infringement intended. Coauthor: @SpicySweetPotato