Kezya's pov.
" Uhm, Kez? "
" Hmm? "
I asked while writing. I am too busy today, i was right. Marami na nga silang nagawang activities plus, lecture at buti na lang hindi pinakopya ako ni Alexa sa mga subject na classmate ko siya.
Nandito lang kami ngayon sa dormitory naman at tinitigan niya ako habang nagsusulat.
It's saturday so walang pasok.
Para naman akong mawawala sa paningin niya kapag umiwas siya ng tingin sa'kin.
Pagpasensiyahan niyo na ang kaibigan ko ah? Ganyan lang talaga 'yan. May saltik eh.
" Pagkatapos mong magsulat, mag mall tayo." kahit nagsusulat ako, hindi ko nakikita ngayon ang mukha ni Alexa pero nakangiti siya ngayon, rinig ko rin ang pagka excite sa tono ng pananalita niya.
At take note ah? Ngayon niya lang ako inimbitahang mag mall. Kadalasan kasi, niyaya niya si Thea o di kaya naman si Rein.
Kaya siguro hindi niya ako inaaya ay dahil nga busy ako sa pag aaral, nag aadvanced reading ako kung wala man akong magawa kaya napapansin niya sigurong busy ako sa pag aaral kaya hindi niya ako niyaya.
" Ngayon na ba talaga? " tanong ko ulit without looking at her.
" Ay hindi, next year pa. Gusto mo next year? " she asked sarcastically.
Ang kaibigan kong sarkastiko hay.
" Ano namang gagawin natin sa mall? " tanong ko ulit.
Baka naman pumunta kami doon eh wala naman pala kaming gagawin, ano pang pinunta namin doon kung nakatunganga lang kami di'ba?
" Alam mo, ang dami mong tanong. Tara na! " saad nito.
Sakto naring natapos amg pagsusulat ko kaya nagpasalamat ako kay Alexa at binigay ang notebook niya.
" Wala akong pera, ililibre mo ako? " tanong ko habang nag uunat unat.
" Oo naman, sama rin natin sina Rein at Thea para masaya." dahil doon, napangiti ako.
First time naming magkakaibigang lalabas, as in yung pupunta sa mga mall. Kadalasan kasi, sila lang ang pumupunta doon, hindi nila ako sinasama dahil nga sobra ako sa pag aaral.
Ngayon, kumpleto kaming magkakaibigang pupunta sa mall.
Dumeretso na ako sa banyo para maligo. Saglit lang naman akong maligo kaya agad akong nakapagbihis, nakita ko rin si Alexa na lumabas mg banyo na nakabihis na rin.
And that violet dress really looks good on her. Mas lalo siyang gumaganda sa suot niyamg iyon.
" Ganyan lang ang isusuot mo? " takang tanong niya habang nagsusuklay.
Tinignan ko ang suot ko mula taas hanggang baba.
Ayos naman ah? White t shirt at medyo maluwag na pants.
Anong meron sa suot ko?
" Ah, yeah. Bakit? " tanong ko rito na ikinagulat niya pa.
" Kezya, alam mo hindi bagay sa isang tulad mo. Why don't you try dresses? " tanong niya pa sa akin.
Napangiwi ako sa sinabi niya.
" I prefer wearing this clothes than dresses." angal ko.
Mas mabuti ng magsuot ako ng maluwag na pants at oversized white t-shirt kesa naman sa magsuot ako ng mga dress. I hate wearing those. You know why? Hindi bagay sa isang tulad kong pangit.
BINABASA MO ANG
Tutoring the Gangster
Teen Fiction" I can break rules for you... " - Kai [EDITING] book cover made by: Galaxies_Angel
