Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

TTG: 35 - Hates

4.9K 107 4
                                        

Thea's p.o.v

One week before...

*flashback*

Andito ako ngayon sa library pero sa totoo lang dismissal na. Sinabi ko naman na kay Alexa na mauna na silang umuwi ni Denisha. Pumayag naman siya.

Namiss ko na kasi pumunta dito, dati kapag dismissal na namin, lagi akong pumupunta dito kaya lang minsan, naka lock na siya kaya hindi na ako nakakapunta pero buti ngayon, maaga yung dismissal namin.

Ako lang mag isa dito dahil lahat ng estudyante nasa kanya kanyang dorm na sila.

I was reading a book about mystery that time when someone touched me kaya nagulat ako nang makita ko si Rein.

" Oh, bakit nandito ka pa? " tanong ko sa kanya.

Instead na sagutin ako, umupo siya sa harap ko. " May sasabihin lang sana ako eh. " sabi niya at mukhang hindi siya makatingin sa'kin.

Kinakabahan naman ako sasabihin nito. Ano kayang saaabihin niya. Sinara ko ang librong binabasa ko at humarap sa kanya. " Ano 'yon? " tanong ko.

Huminga muna siya ng malalim. Bakit feeling ko, importanteng importante yung sasabihin niya. " Gusto ko na kasi lahat ibuhos yung nararamdaman ko. Hindi ko na kasi kaya. " nakatingin lang ako sa kanya habang nakikinig. " Thea, paano mo ba malalaman kapag nagkakagusto ka sa isang tao? " nagulat ako sa tanong niya, i wasn't expecting that.

Mukhang alam ko na kung saan patungo 'tong usapan na 'to. Pero sasakayan ko muna siya. Napaisip ako doon sa tanong niya saka nagsalita.

" Malalaman mo lang kung gusto mo ang isang tao kapag alam mo sa sarili mong masaya ka kapag kasama mo siya. " simpleng sagot pero makahulugan.

" Bakit? Meron ka bang taong gusto? " tanong ko kahit alam ko naman 'yung sagot.

" Oo. Meron. Si Kezya. " straight to the point niyang sabi pero hindi na ako nagulat, alam ko naman kasing sasabihin niya 'yan.

Pano ko nalaman? Nakikita ko kasi sa mata ni Rein na gusto niya nga si Kezya. Nakikita ko na masaya siya pag kasama siya. Kaya nga ang swerte ng bestfriend ko eh hayyst, sana ako din hehe.

" Gusto ko na nga siya. Gustong gusto ko na siya. " sabi niya.

Pero ayaw niyang magtapat kay Kezya. Ewan ko ba sa lalaking 'to, bestfriend niya nanan si Kez at tingin ko may gusto din si Kez sa kanya.

" Bakit kasi hindi mo pa sabihin sa kanya 'yan? Kasi natotorpe ka? " tanong ko.

Tinignan niya ako ng seryoso. " Natatakot kasi ako sa magiging sagot niya. Paano na lang kung sabihin ko, tapos masaktan lang ako sa isasagot niya, that's why i'm keeping this feeling for myself. "

" Kahit ano pa'ng sabihin niya, edi hayaan mo. Atleast, nagpakatotoo ka, atleast nasabi mo di'ba? "

Napaisip siya saglit. Bakit ba kasi ganyan 'yung mga ibang lakaki? Torpe. Tulad na lang ni Rein, pero no hate, ah? Hindi ko lang kasi maintindihan 'yung iba eh.

" Maybe you're right. I think sooner or later, sasabihin ko na sa kanya. " sabi niya sabay ngiti.

Kumunot ang noo ko. Sooner or later? " Bakit hindi mo na lang sabihin sa kanya ngayon? Bakit sooner or later pa? " ewan ko sa lalaking 'to, bakit kaya hindi na lang ngayon?

Natawa siya ng konti sa sinabi ko. " Basta. Trust me haha. " sabi niya.

" Whatever. " sabi ko sabay tayo na dahil magsasara na ang library. Tumayo na din si Rein at sabay kaming lumabas ng library.

 Tutoring the GangsterMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon