" What is this weird feeling? But whatever it is, i don't like it, i don't wanna feel it... "
This chapter is dedicated to
NICOLE SHIEN MORALES.ANG KULIT NG MGA COMMENTS NIYA HAHA:p
ENJOY READING, SWEETHEART!Kezya's pov.
Three days later... three days na 'yung nakalipas. It means tatlong araw na simula nung nagconfess sa'kin si Rein. Tatlong araw ko na rin siyang hindi nakikita. Magaling naman na siya , hindi na nilalagnat pero ewan ko ba don, baka hindi pumasok.
Pagkatapos nung confession niya, hindi na talaga ako bumalik sa hospital nun. Hindi ko na rin siya binisita. Nakakahiya na. Hindi ko pa nga alam kung pano ko sasagutin 'yung ' I like you' niya eh.
Nagtaka nga sa'kin sila Alexa at Thea kinabukasan n'on. Bakit daw ako biglang umalis. Eh, sa kaibigan ko naman sila, sinabi ko na 'yung totoo. At ayun, kinilig si Alexa. Oo si Alexa lang. Eh, syempre nagulat din ako haha si Alexa lang yung kinilig, si Thea?
Alam niya na pala. Alam niya na pala na gusto ko nga ako ni Rein. Kaya pala parang narinig ko yung bulong niya nung asa cafeteria kami eh.
Pero sabi niya hindi naman daw niya inexpect na aamin sa'kin si Rein. Pano niya nalaman na may gusto sa'kin si Rein? Eh, sinabi daw ni Rein sa kanya. Si Alexa naman, ayun nagtampo wala daw kasi siyang kaalam alam eh natawa nga rin ako ang cute kasi niya kapag nagtatampo.
Pero nadissapoint sila nung hindi ko sinagot 'yung " I like you " ni Rein.
Bakit, pag ba sinabihan ka ng i like you ng nagkakagusto sa'yo, sagutin mo rin 'yung i like you niya? Di naman diba? Minsan hindi ko talaga maintindihan 'yung dalawang 'yun eh. Lakas din kasi topak.
Tatlong araw ko na ring hindi nakikita si Rein. Oh, ako lang ang umiiwas? Eh? Basta. Sana hindi ko siya makita ngayon, baka mahiya na naman ako eh.
" Huy, Kezya dissmissed na tayo, lutang ka na naman. " hindi ko alam na kinakausap na pala ako ng kaklase ko.
Hindi ko man lang napansin na dismissal na pala namin. Grabe. Wala akong naintindihan sa sinabi ng professor namin. Ganon ba talaga ako katagal mag isip? Isang oras?
Ganito ba talaga epekto sa'kin 'yung sinabi ni Rein? Tatlong araw ko iniisip? Grabe.
" Siguro iniisip mo 'yung sinabi sa'yo ni Rein, 'no? Yieeeee " at nasabi ko na ba'ng kumalat sa buong campus 'yun? Syempre lahat sila nagulat, nagbulungan. Eh ano pa ba'ng ieexpect mo?
Ganyan talaga sila.
Wow lang. As in wow. Paano kumalat? Dahil lang naman sa dalawang magagaling kong kaibigan. Ang iingay kasi nila. Tili sila ng tili. Syempre maingay 'yung dalawang 'yun, hindi nila sinasadyang masigaw 'yung tungkol sa'min ni Rein.
Hayyst pinakaayaw ko pa naman sa lahat, 'yung attensions ng mga tao. Pero hindi ko naman kayang magalit kala Alexa at Thea, best friends ko naman sila at isa pa, hindi naman nila sinasadyang mapalakas 'yung mga sinasabi nila tungkol sa'min ni Rein.
Hindi nga ba? Haha.
" 'Wag ka nga. Tsaka bakit ko naman iisipin 'yon? " sabi ko sa kanya habang nililigpit na 'yung gamit ko.
" Eh, bakit isang oras kang nakatanga diyan, ha? Ang lalim ng iniisip mo. Dati, hindi ka naman ganyan friend. Focus na focus ka talaga sa mga tinuturo ng mga profs, pero ngayon hanung nangyari? " sabay tawa ni Alisa. Si Alisa, isa din siya sa mga kaibigan ko dito sa room.
Ewan ko. Ano ba'ng meron dun sa sinabi ni Rein at bigla na lang ako nagkaganto? Sinabi lang naman niya na gusto niya ako. Hayst. Hanggang ngayon nga naririnig ko pa 'yung boses niya sa utak ko eh.
![](https://img.wattpad.com/cover/120965899-288-k137906.jpg)
BINABASA MO ANG
Tutoring the Gangster
Teen Fiction" I can break rules for you... " - Kai [EDITING] book cover made by: Galaxies_Angel