Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

TTG: 17 - A talk with the President

5.9K 137 1
                                        

Kezya's pov.

Kumatok muna ako bago pumasok.

Pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko ang principal na nakikipag usap sa kanyang assistant.

" Ma'am... " mahinang usal ko.

Lumingon silang dalawa sa'kin.

" Yes? Come in. " yaya niya at sinunod ko naman.

Umupo ako sa gilid mg table niya.

" Ahh, Clary... mamaya natin pag usapan ito. Lumabas ka muna saglit. " utos niya sa kanyang assistant na agad naman tumango at lumabas.

Huminga muna ako ng malalim at sinandal ang likod ko sa malambot na sandalan ng upuan.

" Yes, you are? " tanong niya sa'kin.

" I'm Kezya Denisha Laurel, Ma'am..." sagot ko

" Ohh, ikaw yung nagtututor kay Mr. Chinson, right? "

" Yes Ma'am... "

" And... what do you need? " nakangiti ngunit seryoso niyang tanong.

Huminga ulit ako ng malalim bago magsalita.

Sasabihin ko ba? Eh, baka hindi siya pumayag. Baka sigawan niya ako mismo sa harapan niya?! Eh, ba't pa ba ako pumunta dito? Engot ka rin, Kezya eh! Engot!

" G-gusto ko lang pong m-mag complain tungkol s-sa... p-pagtututor ko kay Mr. Chinson. Rinig ko po kasi na suspended siya. Hindi naman po yata tama na pumasok ako sa dorm ng lalaki para lang turuan siya. " usal ko.

Naging seryoso ang mukha niya at kinabahan naman ako!

" Yes, he is suspended pero kailangan niya pa rin matuto right? Kailangan mo pa rin siyang turuan. I think he needs a homestudy... " malaawtoridad na sabi niya.

Homestudy?! Tch. Aanhin niya pa ang homestudy? Dito pa nga lang sa school, eh hindi nga siya nakikinig, eh pano kung homestudy pa kaya?! At isa pa.. Hindi naman siya nakikinig sa'kin kapag ako ang nagtuturo. Tsk!

" M-ma'am.. Why don't you give me a break? Besides, pagod din panigurado po niyan si Mr. Chinson... " tawa ko kunwari!

Bwiset! Ang hirap kausapin nitong principal na 'to! Tch!

Mas lalong naging matalas ang paningin niya sa'kin!

Pumyemas! Gusto ko ng lumabas huhuhu!

Bumuntong hininga siya at sumandal sa swivel chair niya.

" Ms. Laurel, inaasahan ka ng mga parents ni Mr. Chinson. Sundin mo na lang ang pinapagawa ko... don't complain because you are talking to me.. i am the principal of this school and if i said do it then do it... " nakangising sabi niya pa!

Ramdam na ramdam ko ang pagsalubong ng mga kilay ko! This is really unfair!

Pinilit kong ikalma ang sarili ko at bumuntong hininga ulit.

" O-okay, Ms. President... " naiusal ko na lang.

Tumango siya at nagsimulang maglabas ng mga papeles.

" Is there anything you need? " tanong niya habang nagkakalikot pa rin.

" W-wala na po... " sagot ko at tumayo na atsaka nagpaalam at inis na lumabas!

Pagkalabas ko ay nandoon pa rin si Thea at Rein kaya naman sinalubong nila ako.

" Oh?! Ano daw sabi?! " tanong ni Thea.

 Tutoring the GangsterMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon