TTG: 48 - Masquerade Ball

5.1K 119 15
                                    

Kezya's p.o.v

Kinabukasan,  hindi pa rin maalis sa isip ko ang nangyari kahapon, it felt so unreal. Hindi pa rin ako makapaniwalang sa dinami dami ng babae sa campus, ako pa 'noyung inaya ni Kai na maging partner niya.

Nandito kami sa cafeteria ngayon dahil breaktime.
" Kezya, anong sagot mo pala nung inaya ka ni Kai na maging partner niya? " ngiting ngiting tanong ni Alexa. Kahapon pa 'to, ah? Bakit kaya 'di niya na lang ako tantanan.

" AHHH— " tinakpan ko ang bibig ni Thea ng bigla siyang sumigaw dahil sa tanong siguro ni Alexa na hindi niya pa alam pati si Rein na napatigil sa pagsubo ng kinakain niya.

Nanlalaki pa rin ang mga mata niya habang nakatakip pa rin ang bibig niya gamit ang kamay ko. " Amppp!! "

" Ano ba, Thea? Wag ka ngang sumigaw! " si Alexa na natatawa.

Binitiwan ko rin si Thea nang medyo kumalma na siya. Ayan, sa sobrang daldal ni Alexa, nalaman din ni Thea at Rein. " Ano ulit sinabi ni Alexa? Inaya ka ng kapatid ko na maging partner niya? " mahinang tugon ni Rein.

" Saan? Sa Masquerade Ball? Kailangan pa ba ng partner? " excited na tanong ni Thea. Kahit papano, kumalma naman na siya.

" Oo, inaya niya ako maging partner niya sa Ball. " sabi ko, nakayuko dahil nahihiya.

" Oh my gosh! Sa dinami ng mga magagandang girls sa campus, siya pa ang pinili niyang maging partner!  "

" Sis, I know right! She's just an ugly b*tch! "

" Dapat hindi na lang siya pumunta sa ball, because she doesn't belong there!  "

" OMG, di ako makapaniwalang inaya ni Kai ang isang nerd!  "

Napapabuntong hininga na lang ako sa mga naririnig. Di na wari ako nasanay? Hay.

" Hay, ayan na naman sila. " iiling iling na sabi ni Thea.

Nakakunot noong tumayo naman si Alexa na ipinagtaka naming tatlo ni Rein at Thea.
Nagkatinginan kaming tatlo at nakarehistro sa mukha namin ang anong-gagawin-niya-look.

" Hoy! Kayong mga babae kayo!  " in just a snap, nagsitinginan lahat ng mga estudyante sa cafeteria pati na ang mga nagtitinda na ikinagulat ko.

" Pst, Alexa!  " pigil ko sa kanya, pero hindi niya ako pinansin at nakatingin pa rin siya ng masama sa mga babaeng nagsasalita. Sila naman ay gulat at yung iba ay nakataas ang kilay sa kanya.

" Inggit lang kasi kayo kaya kayo nagsasabi ng kung ano ano tungkol sa kaibigan namin! Inggit kayo kasi siya ang pinili ni Kai! Inggit kayo kasi siya ang makakapartner ni Kai sa Masquerade Ball bukas! Ha! Mga inggit! Palibhasa, wala kasi kayong mga partner na katulad ni Kai Chinson! I bet hinding hindi kayo makakahanap ng isang tulad niya! " nakapamewang niyang sabi. Napapakurap kurap ako sa bawat salitang sinasabi niya.

Hindi makapaniwala na sinabi niya sa buong cafeteria 'yon I was speechless, ang dalawa ko namang kaibigan ay manghang mangha at nakakanganga pa sa nakatayong si Alexa.

The whole cafeteria went silent after what she said. Sino ba namang hindi mapapatahimik? Pati ang mga babaeng nagsasalita kanina ay napatahimik rin. " Oh, ano?! Natahimik kayo 'no? Kasi 'yun yung totoo! " pagtapos nun ay napansin ko na lang na hila hila na ako ni Alexa.

Hindi ko namalayan kung san na kami papunta. " Wow, Alexa! " manghang sabi ni Thea at pumalakpak pa, si Rein naman ay natatawa lang at pinag uusapan ang nangyari kanina.

" Tss, serves them right. Kung makapagjudge, akala mo kung sino, tss. 'Yun pala, mga inggit lang. " masungit na tugon ni Alexa.

" Oh, Kez!  Grabe oh, the best si bestfriend natin!  " tuwang tuwang sabi niya.

 Tutoring the GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon